INIISIP pa lang ni Caleb ang mangyayari ngayong gabi ay na-excite na siya. He was now a married man. May asawa na siyang uuwian gabi-gabi. He also felt nice with the thought of building a family and having children soon. Pangarap niya iyon.
Maganda ang ngiti ni Caleb habang tinatahak ang kuwarto kung nasaan si Serena. It will be their first night as husband and wife. Kanina ay iniwan muna niya ito. Nagkaroon kasi siya ng mahalagang tawag sa trabaho. Sinabihan na lang niya ang asawa na maghintay sa bahay. Alam niyang naroroon na rin ito ngayon. Naituro na sa kanya ng mga kasambahay kung nasaang parte ngayon ng bahay niya ang asawa.
Hindi man lubos na kilala ni Caleb si Serena ay magaan ang pakiramdam niya rito. Kahit may mga sinabi sa kanya si Ram na masasamang impormasyon rito ay hindi siya nakinig. Para sa kanya, sapat na ang personal judgment niya rito dahil sa unang beses nilang pagkikita. Naniniwala siya na magiging mabuting ina ito. Ito ang babaeng hinahanap niya.
Thirty six years old na si Caleb. He wanted to settle down and it was now the right and perfect time for that. Hindi na siya bumabata. Ang naging problema nga lang, naging mailap ang pag-ibig sa kanya. Pero hindi naman malaking problema. Nanggaling siya sa pamilya kung saan uso at normal lang arranged marriage. Successful ang lahat ng mga iyon. Kahit ang magulang niya ay nanggaling rin sa ganoong klase marriage arrangement. Masaya ang mga magulang niya. Masaya ang pamilya niya. So he let himself go through that kind of arrangement, too.
Umaasa si Caleb na kagaya ng pamilya niya ay magiging ganoon rin ang bubuuin niya ngayon. Nagtitiwala siya sa pakiramdam niya. He was a good judge of character. Sa unang kita pa lang niya kay Serena, nakita na niya na magiging mabuting ina ito. Magaling ito sa mga bata. Iyon ang naging basehan niya para hinggin ang kamay nito sa ama nito. Hindi rin naman naging mahirap na gawin iyon.
Madaling napapayag ni Caleb si Sergio Villanueva. Dahil naging madali para sa kanya ang lahat, inisip niya na siguro nga ay para sa kanya talaga ang babae.
Hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto kung nasaan si Serena kaya naggawa niyang makapasok. Nakita rin niya kaagad ito. Tahimik na nakahiga ito sa kama at nakapikit. Mukhang nakatulog na ito habang nanonood ng TV.
Naiintindihan ni Caleb kung pagod si Serena. It had been a long day after all. Pero napakunot pa rin siya dahil sa nakitang lagay nito. Nakasuot ito ng oversize na Doraemon pyjamas at nakatulugan nito ang panonood sa concert ng isang Korean Boy Band.
Hindi ito ang in-expect ni Caleb kay Serena. Hindi niya sigurado ang edad nito. Pero hula naman niya ay nasa twenties na ang asawa. Late twenties, base sa itsura nito. Pero sa nakikita niya ngayon, pakiramdam niya ay nakapag-asawa siya ng teenager.
Well, it's good to feel young sometimes... pakonsuwelo na lang ni Caleb sa sarili. Hindi niya sana gustong magkaroon ng asawa na isip bata. Ang gusto niya ay iyong mahilig sa bata. Pero naroroon na rin naman sila. Huli na para magsisisi pa siya.
Pero kahit ganoon, hindi na rin naman siguro bata si Serena para hindi nito malaman ang responsibilidad nito. Hindi man nila official honeymoon ngayon, asawa na niya ito. Dapat ay alam na nito ang pangangailangan niya.
Naalis ang pagtataka ni Caleb nang bumalik maisip ulit dahilan kung bakit hinanap niya ang kanyang asawa. Bumangon ulit ang excitement sa katawan niya. Nagsisimula na rin siyang mag-init nang mapagmasdan niya ang kabuuan ni Serena.
Sleeveless at shorts ang klase ng pyjamas na suot ni Serena. Malaking bahagi pa rin ng mala-porselana na kutis, payat na katatawan at mahahabang legs ng asawa ang libreng napapagmasdan niya. Mukha rin itong inosente habang natutulog. Maipagkukumpara sa anghel ang mukha nito. She looked so peaceful.
And Caleb likes seeing Serena that way. Wala namang masama roon. Asawa na niya ito. At puwede niya ring gawin ang lahat ng gusto niya rito. He owned her now.
Napangisi si Caleb. Serena was his to claim. At gusto niyang simulan ang pag-aangkin rito ngayong gabi. And he will start on the part that made him ache to taste again: her red, soft and sweet lips...
Caleb brushed his lips softly onto Serena's lips. Effective na pampagising naman ang ginawa niya. It was also his plan to surprise her with it. Unti-unting nagmulat ang babae ng mata.
Ang hindi nga lang inaasahan ni Caleb ay ang naging reaksyon ng asawa.
Nanlaki ang mata ni Serena. Kasabay rin noon ay ang pagtaas ng kamay nito patungo sa pisngi ni Caleb. Sinampal siya nito.
Nanlaki rin ang mata ni Caleb sa kapangahasan ng asawa.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...