NAPAUNGOL si Caleb nang sa halip na ang malambot na katawan ng asawa ang mahawakan niya ay balahibo iyon. Nang imulat niya ang mata ay napailing-iling siya. Nasa pagitan nila ni Serena si Pao-Pao. May sarili itong higaan sa baba ng kama pero hindi pa rin pala ito nakontento roon. Umalis ito sa puwesto nito.
Pero napangiti rin naman si Caleb. Malaki ang pasasalamat niya sa tuta. Nagbago ang asawa niya dahil rito. Ngumingiti na ulit si Serena. Hindi na rin ito umaalis ng bahay. Kung umaalis man ito, sa disenteng lugar lang ito pumupunta. Kasama rin nito palagi si Pao-pao. At higit sa lahat, nagkalapit ulit sila dahil kay Pao-Pao. Nakakausap na niya ulit si Serena. Ilang araw na rin silang natutulog sa iisang kuwarto. Gusto rin kasi palagi ni Pao-pao na nasa malapit lang silang dalawa kapag natutulog. Kapag magkahiwalay sila ay kinakagat nito ang isa sa kanila at dinadala papunta sa isa't isa.
Parang anak na talaga nila si Pao-Pao. Parang tao na kung alagaan nila ito. Parte na ito ng pamilya. Napaka-espesyal nito, lalong-lalo na kay Serena. Dahil kay Pao-Pao ay nawala na ang pagkahilig ng asawa niya sa KPOP at pati na rin sa Manga. Kapag pumupunta sila sa mall, palagi itong pumupunta sa pet section. Lahat na lang ng pinapabili nito ay para sa tuta.
"Hmmm..." Naramdaman yata ni Serena na naggising siya kaya naggising rin ito. Pipikit-pikit pa ang mata nito nang tumingin sa kanya. "Is there a problem?"
Tumingin si Caleb sa tuta. Mukhang nakalahata rin ang tuta na naggising sila. Pero hindi nito nahalata na pinagseselosan na niya ito. Isiniksik pa nito ang sarili kay Serena.
"Oh, my baby..." Niyakap ni Serena ang tuta. Ipinikit na ulit nito ang mata.
Napailing-iling si Caleb. Naiinggit siya sa atensyon na binibigay ni Serena sa tuta. Pero iyon naman ang gusto niya 'di ba? Ang makita si Serena na masaya. Gusto rin niyang magtiwala rin ito sa sarili nito na magiging mabuting ina ito at makawala ito sa masamang nakaraan nito.
Sa huli, nakiyakap na lang si Caleb sa dalawang kasama sa kama. The dream he was longing came true. Almost.
Good things takes time... pagpapanatag na lang ni Caleb sa sarili. Umaasa pa rin siyang magiging maayos ang lahat kay Serena. Hindi niya susukuan ito.
Because life with Serena is better than life without her...
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...