Chapter 37

1.7K 53 9
                                    

Aliyah's POV




"Teka, pano mo nalaman na bigay sakin ng papa ko itong salamin ko? S-sino ka ba?" tanong ko dito.

Hala, baka matagal ko na syang stalker! De joke lang imposible hmp. Sa gwapo nyang yan? Chos.. May mga katulad din naman nya na stalker kahit gwapo.

Nagpout naman ito.

"Grabe. Ilang taon lang tayong di nagkita at nagka-usap nalimutan nyo na ako." sambit nya. Hanudaw?

"Ah eh sorry sayo ah. Pakilala ka na lang kasi!" sabi naman ni Aica.

"Tsk tsk. Kahit kelan makakalimutan kayong dalawa. Hindi nyo ba talaga ako maalala? KA?" Nagkatinginan kami ni Aica. Tulad ko ay gulat din sya. KA? Tatlo lang kami nina Aica ang may callsign dyan.

"K-KA?" Aica.

"Kent Accell Monterios?" sambit ko.

Si Kent Accell ay childhood friend namin ni Aica. Kaso nung 13 years old sya lumipat sila ng pamilya nila sa ibang bansa dahil natanggap sa trabaho doon ang daddy nya kaya ayun. Nawalan din kami ng communication sa isa't-isa. Kami lang ni Aica ang nagkasama nun.

"At your service." sambit nya at kumindat. Sya nga!

"Waaaaah!! Kamusta?! Long time no see!" sabay naming sabi ni Aica at medyo lumapit pa kami sa kanya. Wala kaming pake kung kami na naman ang laman ng balita dito.

"Tagal mo nawala! Ano balita sa buhay? Si tita Kreine? Kamusta na?" Aica. Si tita Kreine ang mommy nya. Mabait din yun.

"Oo nga! Pati sina tito Brette! Tapos si baby Shrein!" Ako.

Si tito Brette naman ang daddy nya at si Shrein ang babae nyang kapatid. Siguro mga nasa 14 years old na ito ngayon.

"Hahahaha! Easy nga kayo mahina kalaban. Ako eto pogi pa rin." Kent. Nako nako hahaha!

"Wala ka pa ring pinagbago!" Aica.

"Naman! Hahahaha! Si mommy nasa States pa sila ni Daddy at Shrein. Nauna akong umuwi dito para naman magkita na tayo. Miss ko kayo eh hahaha." sambit ni Kent.

KA ang tawag namin sa isa't-isa nun. KA for Kent Accell, Klaire Angelica at sa akin Keesha Aliyah. Puro 'K' ang start ng name namin eh hahaha!

"Kelan sila uuwi dito?" tanong ko.

"Next month pa." Sagot nya.

Magsasalita pa sana kami ni Angelica nung may mag ehem. Ay! Hala hahaha.

"Ehem. Baka naman ehem." KC.

"Ah oo nga pala Kent. Si Kim Darcee. Kaibigan namin." pakilala ni Aica. Nilahad naman ni Kent ang kamay nya kay KC.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon