Aliyah's POV
Isang buwan na ang nakalipas magmula nung magkakilala kami nina Kim Darcee at nung apat. Isang buwan na rin ang nakalipas at patuloy pa rin ang asaran namin ni Vincent. Nakakainis nga yung nangyari last week. Tinukso na naman kami nina Aica dahil sa sinabi at ginawa nya.
*FLASHBACK*
Kakatapos lang namin maglunch at sabay-sabay kaming bumalik ng room. Pagdating namin ng room kakaunti pa lang yung tao kasi maaga kaming natapos kumain. Mga sampu pa lang at idagdag mo pa kaming anim. Bale sixteen kami lahat dito. Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Ipinabilog muna namin yung upuan namin para makapag-usap kami ng maayos lahat. Lumipat muna si Darcee ng upuan nya sa tabi namin.
"Ang boring naman. Kumanta ka nga panget. Tignan natin kung maganda boses mo." Basag ni Vincent sa katahimikan.
"Ayoko nga." Sagot ko.
"Sus! Panget lang yung boses mo eh." Sya.
"Makalait naman to ay. Bakit maganda ba boses mo?" Mataray kong tanong.
"Oo naman. Baka nga mainlove ka sa akin kapag kumanta ako eh." Nakangising sabi nya. Kapal nya.
"Hah! Spell ASA!" Ako.
"Tama na nga yang moment nyo." Singit ni Steeve.
"Oo nga papalapit na yung mga langgam oh." Si KC!
"Wag nga kayo ano dyan." Vincent.
"Pakipot pa sya. Namumula na nga si Vincent eh hahaha!" Jhake.
"Tumahimik ka nga dyan!" Halatang pikon na sya agad. Hot headed masyado si kuya oh.
"Oo na to naman. Eto na lang. May sasabihin akong joke." Natatawang sabi ni Jhake.
"Uyy joke. Sige anong joke?" Excited naman masyado si KC.
"Kasama ka?" tanong sa kanya ni Jhake. Sinamaan sya nito ng tingin. "Joke lang! Bwahahaha!!! Ang slow nyo kung hindi nyo nagets yung joke ko. Para magets nyo kumain kayo ng nuggets! Nyahahahaha!!! Wooooh mwohohoho!!!" Natawa ako dahil sa tawa nya.
"Ba't ka tumatawa eh ang korny ng joke nya. Nagets ko kaya yun." Si Aica.
"Sinabi ko bang sa joke nya ako natatawa?" Tanong ko.
"Ayy. Hindi pala hehe, saan ba?" Sya.
"Nakakatawa kasi yung pagtawa nya hahaha! Para syang si santa."
"Oo nga no, sige tawa na rin ako. Hahahaha!" Tumawa na rin sya pero hindi na ako tumawa nun.
"Uyyyy tulala sya sa mukha ni Aliyah!" Biglang sabi ni KC.
"Huh? Ano yun?" Inosente kong tanong. Bakit ba yun.
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Teen FictionAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...