Aliyah's POV
Sabay kaming pumasok ni kuya sa school kinabukasan. Nakaakbay pa sya sa akin habang naglalakad kami sa school. Parang adik din tong si kuya. Hatid daw nya ako sa room namin.
'Nu kayang nakain ni kuya?
"Para kang ewan kuya. Pwede ba alisin mo kamay mo sa balikat ko, tsk. May paakbay ka pang nalalaman eh." sambit ko.
Ngumuso naman si kuya. Ayan na naman sa pagiging childish psh. Pero mas ayos na din kesa sa seryosong sya.
"Masama ba babybunso?" kuya.
"Wala akong sinasabi na masama. Pinagtitinginan tayo oh!" Ako.
Totoo naman. Halos lahat ng nadadaanan namin napapatingin sa gawi namin. Yung iba naman bulungan. Mga walang pinagbago.
"So? Yaan mo sila. Palibhasa wala silang kuya na gwapo gaya ko."
Kapal ah?
"Hangin ah."
"Support ka na lang babybunso." Kuya.
Hindi ko na lang sya sinagot at nagtuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng room ko. Talagang hinatid eh.
"Ayan dito na ako kuya. Alis ka na!" Pagtataboy ko kunwari kay kuya.
"Sama mo talaga sakin babybunso. Kiss ko?" kuya.
"Arte mo naman!" sagot ko saka mabilis na hinalikan ang pisngi nya.
"Di kaya. Sweet lang hahaha. Ingat babybunso." kuya
Tinignan ko na lang sya habang naglalakad palayo hanggang sa lumiko na sya sa kabilang corridor. Doon na ako naglakad papasok.
"Naks naman Aliyah! Pakilala mo naman kami next time sa kuya mo oh!" biglang salubong ng isa sa mga kaklase namin.
"Hep! Dun kayo sa lungga nyo mga plastik!" sabat bigla ni KC.
Tumaas ang kilay ni Cathy sa sinabi ni KC. Laban na ba? Hahaha.
"Kung makapagsalita kala mo di ka plastik ah." mataray na sambit nito.
Syempre di papatalo si KC. Tinaasan nya rin ito ng kilay.
"Of course! Sila lang ang tunay na naging kaibigan ko so get lost bitch!" KC
![](https://img.wattpad.com/cover/136900921-288-k875538.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Genç KurguAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...