Note: Itong chapter na to at yung kasunod is about them. Kaya kung mapapansin nyo is paiba-iba sya ng scene or whatsoever basta hehe. Pati yung half nung chapter 5. Dun start yung kay Angelica. Di ko sya maalis kasi sayang din naman haha. Yun lang, happy reading!
---
Aliyah's POV
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga. Hindi na ako makatulog dahil napanaginipan ko si papa. Hindi ko nasabi na kaya tatlo lang kami nina mama at kuya dito sa bahay ay dahil patay na si papa.
Namatay sya nung ipinanganak daw ako ni mama. Hindi sinabi ni mama sa akin kung bakit at paano sya namatay. Bigla na lang kasi syang naiiyak tuwing maaalala yung nangyari daw kaya hindi na ako nagtatanong. Si kuya naman nagbabago bigla yung mood nya. Nagiging seryoso sya at parang ayaw pag-usapan yung nangyari kaya tumahimik na lang rin ako.
Nakarinig ako ng hakbang paakyat dito. Dalawang floor kasi ang bahay namin. Hindi naman kami mayaman at hindi rin mahirap. Parang may kaya sa buhay, ganon. Bigla ay may kumatok sa pintuan ko.
"Baby bunso! Baba na raw kakain na sabi ni mama!" Si kuya pala.
"Sige kuya! Maghihilamos lang ako pasabi kay mama!" Sagot ko.
Nagugutom na rin ako pero tinatamad pa ako bumangon. Pumikit muna ako saglit.
"Mama hindi raw sya kakain!" Rinig kong sigaw ni kuya.
Anong hindi kakain?!
"Wala akong sinabi!" Sigaw ko pabalik. Agad akong pumunta ng bathroom at naghilamos. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako at naabutan ko silang kumakain na.
"Oh Liyah, akala ko hindi ka kakain?" Tanong ni mama pagka-upo ko.
"Wala po akong sinabi ah." Sagot ko.
"Yun ang sabi ng kuya mo kaya konti lang ang nailuto ko at para lang yun sa amin ng kuya mo."
"Ano?! Pero gutom na po ako." Nakangusong sambit ko. Bwisit naman si kuya!
"Hahahaha biro lang. Maupo ka na." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni mama. Mawawalan ako ng ganang kumilos kapag hindi nakakain. Food is life nga di ba.
"Ano pong agahan natin?" Tanong ko.
"Merong itlog, tinapay, corned beef at chicken hotdog. Magkanin ka kung gusto mo." Sagot ni mama.
"Sige po magkakanin na lang po ako."
"Teka ikukuha kita." Tumayo si mama at pumunta ng kusina. Napatingin ako kay kuya na nagse-cellphone. Hinampas ko sya sa braso ng malakas kaya muntik nya mabitawan yung phone nya.
"Aray! Para san yun?!" Gulat na tanong nya.
"Para yan sa sinabi mo kay mama na hindi ako kakain! Kainis ka kuya ah!" Sagot ko.
"Hehehe sorry babybunso. Peace tayo." Nagpeace sign pa sya. Yuck! Hindi bagay! Masyado syang lalaki para magganon.
Bumalik na si mama galing kusina at may dala syang plato na may kanin. Inilagay nya yun sa harap kaya kinuha ko naman yun at nilagyan na ang plato ko. Kumuha rin ako ng corned beef at yung chicken hotdog at egg. Pero kaunti na lang yung natira sa pritong itlog dahil kinuha na ni kuya yung iba. Kaya naman kumain na lang ako. Si kuya hinati nya sa gitna yung tinapay at nilagyan nung itlog saka nya ito tinakpan nung isa at kinain.
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Genç KurguAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...