Aliyah's POV
Ilang araw na ang nakalipas magmula nung ma-meet ko si Mrs. Ramirez. Tita Eiyah na pala. Yun na daw itawag ko sa kanya. Magmula rin nung araw na yun lagi na kaming pinagbubulungan. Isa pa yang Dawn na yan. Sinabihan kaming FC. Hindi lang kasi sya pinapansin ni kuya Clifford eh.
Nandito kami sa room at nakikinig habang nagtuturo yung lecturer namin sa Math. Medyo lutang ako ngayon pero nakapasa naman ako sa quiz namin. Hindi nga pala pumasok yung apat ngayon. Malay namin kung bakit. Siguro about yun sa gang nila. At isa pa wala akong paki no! Pero yung dalawa parang hindi sila masyadong hyper. Alam mo yun yung kapag nandito si Steeven ang saya ni KC. Kapag nandito naman si Jhake masungit si Aica pero alam ko natutuwa sya. Ngayon parang wala lang. Baka nahulog na sila doon ah! Tapos sa susunod sila na.
"Uyy Liyah!" Bumalik ang kaluluwa kong naglalakbay dahil sa sigaw ni Aica.
"Bakit?"
"Sabi ko tara na."
"Oo nga. Uwian na oh." Si KC.
"Ayy. Di ko napansin. Tara na." Sagot ko.
"Lutang ka ata ngayon ah." Si Aica.
"Hindi ah. May iniisip lang." Palusot ko.
"Suus. Kunyari pa." KC.
"Hindi nga. Uwi na tayo." Tumayo na ako nang maligpit ko na yung mga gamit ko.
"Mamaya na muna. Punta tayo ng Thirs Tea. Balita ko maganda raw doon." Nagkatinginan kami ni Aica. Hindi nga pala nya alam na si mama yung may ari ng Thirs Tea na yun.
"Sige. Lakarin na lang natin. Malapit lang naman yun dito. Mga sampung minuto siguro." Si Aica.
"Alam na alam ah." KC.
"Pumupunta kasi kami doon." Singit ko.
"O sya. Tara na."
Lumabas na kami ng room. Habang naglalakad kami sa hallway ay panay na naman ang bulungan nila. Nakita ko pang tinarayan na lang sila ni KC.
"Nakakainis na ah. Tuwing dumadaan tayo bulungan nila. Pag di sila tumigil ite-tape ko yang bibig nila." Bulong ni KC.
"Yaan mo na yang mga yan. Wala lang magawa. You know, EPAL." Sagot ni Aica.
"Oo nga. Epal lang sa buhay. Dalian na nga natin." Sabi nya at nagmadaling lumakad.
Sumabay kami sa kanya hanggang makalabas kami sa gate. Buti hindi namin nakita ngayon yung si madaling araw (Dawn). Nang medyo makalayo na kami sa F.U. ay may humintong itim na van sa gilid namin. Biglang bumukas ito at bumaba ang apat na mga lalakeng may takip sa ilong hanggang bibig. Hinila kami ng mga ito at pilit ipinapasok sa loob ng Van.
"What the hell?! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ni KC sa lalakeng may hawak sa kanya at pilit syang pinapasakay sa van.
"Aaaahhh!! Tulong!! Kidnap! Kidnap!" Sigaw naman ni Aica. Ang ibang mga estudyante ay tumakbo sa takot na makuha din.
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Ficção AdolescenteAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...