Aliyah's POV
Kararating ko lang ng room at inilapag ko na ang aking bag sa upuan ko. Hindi kami sabay ngayon ni Aica dahil baka raw ma-late sya. Wala pa si KC pati na rin yung apat. Maboboring ako kaya minabuti ko na lang na pumunta muna ng library. Bukas naman na ito at maaga pa. Pumasok ako doon at naabutan kong walang tao rito. Pwera na lang sa librarian. Medyo nagulat ito sa pagpasok ko dahil pumunta ako rito ng ganito kaaga.
Naalala ko yung nangyari nung isang araw. Nagkita kami nina Kuya Clifford sa grocery ng isang mall. Pagkatapos ng kaonting usap ay umlis na sila dahil meron pa raw importanteng gagawin.
"Ahm, good morning po." Bati ko sa librarian.
"Good morning rin iha."
"Pwede na po bang pumasok?" Paalam ko.
"Oo naman. Tuloy ka. Ang aga mo ata ngayon." Librarian.
"Wala pa po kasi yung mga kaibigan ko kaya dumiretso na muna ako rito." Sagot ko.
"Ganun ba. O sige magbasa ka na ng mga libro dyan. Huwag lang maingay ha." Paalala nya.
"Opo. Thank you po." Dumiretso na ako sa book shelves para maghanap ng libro.
Tingin ako ng tingin hanggang sa may nahanap na ako. Kinuha ko ito at umupo na sa isa sa mga upuan. Binuklat ko yung libro at nagsimula ng magbasa. Diretso lang ako sa pagbabasa at hindi ko napansin ang oras. Pagtingin ko sa wall clock ng library... what the fudge!
Ibinalik ko kaagad yung libro sa book shelf at lumabas na ng library. Syete! Late na ako sa first class namin! Tumakbo na lang ako dahil wala naman ng masyadong students dahil start na nga ng klase. Medyo malayo pa naman ang library sa room namin. Madadaanan ko pa yung building ng college. Kaya lang habang tumatakbo...
"Ooops, sorry po ma'am. Sorry po talaga." Hingi ko ng paumanhin sa nakabanggaan ko. Ba't ba lagi na lang akong may nababangga?
"It's okay." Sagot ng babae na sa tingin ko ka-edad lang ni mama.
"I'm so sorry ma'am. Nagmamadali po kasi ako." Paliwanag ko.
"Okay lang iha. Bakit nga pala wala ka sa klase mo? Did you skip your class?" Tanong nya. Siguro nagtuturo rin sya dito. Yung suot nya pangmayaman na damit, pang business ganern.
"Naku hindi po ma'am! Galing po kasi ako ng library. Hindi ko po napansin yung oras kaya nagmamadali po ako." Sagot ko.
"Oh, is that so. Sige pumasok ka na. Baka pagalitan ka pa ng teacher mo." Ma'am.
"Okay po, thank you ma'am. Sorry po ulit." Naglakad ako palayo at tumakbo ulit.
Hinihingal ako pagkarating ng room. Patay! Nasa loob na si ma'am at nagtuturo na! Napatingin sa akin sina Aica at KC pati rin yung G4 at iba naming kaklase.
"Sorry ma'am, I'm late." Napatingin naman sa akin si ma'am Nicomedez na nagtuturo sa harap.
"Bakit ngayon ka lang Ms. Bautista?"
"Galing po kasi ako ng library ma'am." Sagot ko.
"Sigurado ka?" Ma'am Nicomedez.
"Yes ma'am." Ako.
"Siguradong sigurado ma'am na galing yan ng library! Alam nyo na, NERD eh! Mahilig sa mga libro!" Singit ng isa naming kaklase kaya nagtawanan sila. Lihim naman akong napa-irap.
"Quiet class! Go to your sit." Sabi ni ma'am.
"Thank you Ma'am. Again, sorry I'm late." Ako.
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Ficção AdolescenteAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...