Aliyah's POV
Nagising ako nang mag alarm ang cellphone ko. Inis kong inabot ito at pinatay ang alarm. Akmang matutulog sana ulit ako nang maalala ko na ngayon nga pala ang unang araw ng pasok ko.
Dali dali akong bumangon at naligo. Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Naabutan ko pa si kuya Khian na naglalaro sa cellphone nya. Syempre nilalaro nya yung favorite nyang piano tiles, tss.
"Hey bro." Biro ko sa kanya at tinapik pa ang balikat bago umupo sa upuan ko.
"Oh, good morning babybunso! Ayy, ayan tuloy na-out ako! Ikaw kasi eh!" Nakanguso nyang sambit.
"Anong ako? Kapal mo."
"Kung hindi ka nangistorbo dyan, malapit ko na nga maabutan yung high score!" Gusto kong matawa sakanya dahil para syang bata.
"Better luck next time na lang kuya." Nakangising pang-aasar ko.
Sasagot pa sana sya nang biglang lumabas si mama mula sa kusina. Dala nya ang pagkain na inihanda.
"Hi mama, good morning po." Sabi ko at tumayo upang humalik sa pisngi nya.
"Magandang umaga din sayo anak. Kumain na kayo."
"Thanks po ma."
Magsisimula na sana kaming kumain nung biglang dumating si Aica, bestfriend ko.
"Good morning po!" Malakas na bati nya.
"Oh Aica. Halika't sumabay ka na sa amin." Yaya sa kanya ni mama.
"Sige po tita, salamat!" Naglakad sya palapit sa amin.
"Hi po kuya Khian!"
"Hello sayo Aica. Ang ganda mo ngayon ah."
Galing din mambola ni kuya.
"Always naman kuya Khian no."
"Hahahaha!" Sila.
Ano namang nakakatawa? Hmp!
"Upo ka na." Alok ni mama. Naupo naman sya sa tabi ko.
"Hi bestie."
"Tsh." Nakangising singhal ko at nagsimula ng kumain.
Nagkwentuhan sila ni kuya Khian habang kumakain. Minsan naman ay nakikisama si mama sa kanila.
"Ba't dito ka dumeretso?" Maya maya ay tanong ko. Sila kuya naman ay nakinig na lang samin.
"Bakit naman hindi? Ayaw mo bang nandito ang bestfriend mo ha?" Malungkot kunwaring sabi nya.
"Loka! What I mean is, bakit dito? Akala ko ba ako ang pupunta sa inyo?"
"Tch, ayoko dun no! Nakakabadtrip si kuya! Inaasar lang nya 'ko dun!" Nakanguso pa sya.
"Si kuya Dwayne? Bakit naman?"
"Pano ba naman kasi, lagi akong tinatawag na 'babykongbeauty'. Alam ko naman na yun. Pero, ugh! You know, nakakasawa na rin kasing paulit-ulit marinig yun."
Kapal din talaga eh no. Feeling talaga ng bestfriend kong to. Oh well, sanay naman na rin ako sa kanya hahaha.
"Wow ah. Feel na feel?" Kuya Khian
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Novela JuvenilAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...