Third Person's POV
Nanatili sa pinagtataguan nya si Lyka. Nanlamig ang buo nyang katawan sa narinig. Oo alam nyang masama sya pero may limitasyon iyon. At ang narinig nya, hindi nya iyon gusto.
"Balak ni papa na ipagahasa si nerd sa tauhan nya? E-eww! So gross! And what the freaking hell! Bat sya ipapapatay ni papa?!" Bulong nya sa sarili.
Kumuyom ang kamao nya at wala sa sariling napatingin kay Frid na walang emosyong mababasa sa mukha.
"Miss Lyka..."
Agad syang napaharap ng maramdaman ang kamay nito sa balikat nya. Nandidiri sya.
"Pwede ba! Wag mo akong hawakan you ugly creature!" Singhal nya rito.
Alam nyang nagpipigil lang sa kanya ang lalake dahil sa ama nya. Anak sya sa labas. Hindi pinagamit sa kanya ang apelyidong Queron dahil marami raw masasamang tao ang kalaban ang ama nya at para maprotektahan sya. Pero hindi sya bobo. Nanatili syang Gonzales dahil iyon ang nais ng tatay nya na masama rin naman. Alam nya na ayaw sa kanya ipagamit ang Queron dahil dudumihan nya ng pangalang iyon.
Anak lang sya sa labas at iilan lang ang nakakaalam nun. Ang pamilyang Ramirez. Pero hindi nito alam na anak sya sa labas. Ayaw madumihan ang apelyidong napakarumi naman talaga.
"Pasensya na miss Lyka pero hindi ka pwede dyan. Binilin sa akin na huwag kang palapitin dun sa babae." Sambit ng lalake na medyo may katabaan, maitim at may bigote. In short, mukhang adik.
Inirapan nya ito at bahagyang lumayo roon. Nasa abandonadong lugar sila. Isa itong mall na ipapatayo sana pero sa kasamaang palad ay hindi itinuloy. Kaya't naluma at ginawang taguan ng ama nya. Aware sya sa masasama nitong gawain katulad rin ng pagsusuporta sa pagpasok sa kanilang lungsod ng ipinagbabawal na gamot.
Hindi nya ito nagawang kwestyunin dahil palaging ipinapamukha na sya ay isa lamang pagkakamali, anak sa labas at salot. Pero sa harap ng kilalang tao na nakakakilala sa kanya bilang anak ng mayor maayos ang trato nito sa kanya.
"Lyka."
Napaharap sya sa kanyang tatay. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.
"Huwag na huwag kang magkakamali na sabihin sa Ramirez na narito ang kanilang anak. Kung ayaw mong matulad sa kanya kahit anak pa kita." Seryoso nitong sambit.
Lihim na nagtagis ang bagang nya at kumuyom ang kamao.
"Yes pa."
Nilampasan sya nito kasama ang bodyguard.
' wala syang kwentang ama. Araw-araw pinapamukha nya sa akin na salot lang ako sa pamilya. Maging ang kanyang asawa at kapatid ko sa kanya. Parepareho sila. Baka panahon na para ibalik ang pasakit na ginagawa nila sa akin. '
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Teen FictionAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...