Aliyah's POV
Ang sama ng tingin sa akin ni kuya ngayon habang kumakain kami. Yung tingin nya parang nanghihinala o nagiimbestiga. Tss. For sure dahil to sa bihis ko ngayon. May lakad kasi ako eh.
"Hoy babybunso, san punta mo?" Kuya.
Di rin nakatiis hahaha.
"Sekretong malupet kuya. " pang-aasar ko.
"Psh! May date ka no! Mama si babybunso oh may date di nagsasabi!" Kuya
Wengya!
"Wala akong date! Ano ba kuya!" Nakasimangot kong singhal sa kanya.
Pero yung itsura nya ganun pa din. Ayaw maniwala. Bahala sya dyan! Hmp.
"Bakit bihis na bihis ka? May lakad ka no! Sabi ni Dwayne wala namang lakad si Aica pati rin si KC! " kuya
Napapikit na lang ako. Kahit kelan talaga eh.
"Oo na! May pupuntahan ako kasama si Nash! Ayos na?! " ako.
Subalit wala pa rin talagang nagbago sa itsura nya. What the fudge! Taena naman ni kuya eh!
"Sinong ibang kasama? Kayo lang? Dalawa lang kayo? " tanong na naman nya.
Hindi ko matapos-tapos yung kinakain ko dahil sa kanya. Daming tanong!
"Wala po kaming kasama. Kaming dalawa lang. " sagot ko.
Akmang magsasalita na naman sya at for sure tanong na naman kaya inunahan ko na. Baka iba isipin eh tss.
"Bibili kami ng materials para sa project namin. Okay na? " ako
Sabado ngayon at kahapon pinagpartner-partner kami sa isang subject namin. Kami sana ni Aica or KC kaso babae at lalake daw. At si ma'am mismo ang pumili ng makakapares namin.
Si Nash ang naging partner ko. Si Aica at Jhake, Steeven at KC, Kent at isa sa babaeng kaklase namin tapos si Vincent at Lyka. Grabe yung reaksyon ni Vincent nung sinabi ni ma'am na sila magpartner hahaha.
"Sama ako! Baka mamaya date pala yan at nagpapalusot ka lang sa akin eh. " atungal pa ni kuya.
Napaface palm na lamang ako.
"Kuya! Bibili nga kami ng materials diba?! Sige sasama ka basta ba ikaw magbubuhat lahat ng bibilhin namin! At isa pa pano ka sasama, nakalimutan mo na ba? May gagawin kayo ni kuya Dwayne para sa isa nyong subject ngayon diba! " inis kong sambit.
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Novela JuvenilAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...