Steeven's POV
🎶 You just want attention. You don't want my heart, maybe you just hate the thought of me with someone new.
Yeah you just want attention. I knew from the start. You're just making sure I'm never gettin' over you. Oooooh.🎶
Hindi ko na naituloy ang pagkanta ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Sir kakain na raw po." Si yaya lang pala.
"Ah, sunod na lang po ako yaya." Sagot ko.
"Okay po sir. Naghihintay po sa baba ang mama at papa nyo."
"Thank you na lang yaya."
Narinig ko ang mga yabag nya papalayo. Bumuntong hininga ako at itinabi yung gitara ko.
Nag-ayos ako saglit at bumaba na. Naabutan ko ang step mom ko at si dad kasama si Stuewen, kapatid ko na lalaki. Agad akong umupo sa upuan ko. Kumuha ako ng bacon at egg doon saka rice.
"Hey son. How's your school?" Tanong ni dad.
"Fine." Walang ganang sagot ko.
"Do you have any problems there?" Tanong nung asawa nya. Yeah right, she's my step mom. Dahil sa kanya naghiwalay sina mom at dad. She's my dad's mistress.
"None..." Natuwa naman sya pero di nya pinahalata nung maayos yung sagot ko. Akala nya lang yun. "...Of your business." Dugtong ko kaya nawala yung sayang nararamdaman nya.
"Steeven." suway nung tatay ko.
"What? Please wag nyo muna akong istorbohin. Kumakain ako oh." Medjo inis kong sambit at nagpatuloy na sa pagkain.
"Aalis ako mamaya. Gabi na ako uuwi siguro." Di naman sa nagpapaalam ako, sinasabi ko lang.
"Where are you going?" paki-alamera talaga.
"Paki mo." Bulong ko pero mukhang narinig ni dad.
"Steeven!" Suway nya. Medyo tumaas rin ang kanyang tono.
"I'm done." Agad akong tumayo at naglakad na papuntang hagdan.
"Get back here!" Hindi ko na lang sya pinansin at nagtuloy hanggang sa kwarto ko.
Kinginang yan. Ang babaeng yun ang dahilan kung bakit umalis si mama.
Nahiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Nag-iisip ako nung may kumatok sa pinto.
"Kuya, can I come inside?" Boses ni Stuewen.
"Yeah." Maikling sagot ko.
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Naramdaman ko na may umupo sa gilid ng kama ko.
"Are you okay?" Tanong nya.
"What do you think?"
"I think no."
"Then I'm not." Nakakabingi ang katahimikan matapos kong sabihin iyon.
Ganito ang buhay ko sa bahay. Iba naman kapag nasa school ako. Minsan nga parang mas gusto ko na lang tumira sa school, mas maayos pa doon.
"I miss mom." Biglang sabi nya.
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Genç KurguAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...