Chapter 16

2K 57 0
                                    

Aliyah's POV






Nakarating kami ng school in 10 minutes. Wala kasi masyadong sasakyan dahil nga maaga pa. Ngayon tinatahak namin ang daan papuntang room namin. Syete ang lamig! Ang aga pa ngayon, six a.m. in the morning ba naman. Wala pang tao rito sa school maliban sa guard. Mamaya may multo dito ah.

Nasabi ko na ba na takot ako sa multo? Lalo na sa ipis! Ipahawak mo na sa akin ang butiki wag lang yang ipis na yan! Nadidiri kasi ako sa paa nilang masyadong marami. Tapos yung itsura pa nya, grrr.

"Okay, ngayong nandito na tayo tell us your plan." Sabi ni KC pagkarating namin ng room.

"Oo na. Masyado kayong nagmamadali ah." Aica.

"Para naman makaidlip kami saglit pagkatapos mong sabihin yung plano mo. Inaantok pa kasi ako." KC

"Oo nga. Kulang kaya ako sa tulog. Halata na ba eyebags ko?" tanong ko. Puyat nga kasi ako kagabi.

"Hindi naman, may salamin ka kasi." Sagot ni Aica.

"Mabuti naman kung ganun."

"Wait lang pala. Bago mo sabihin yan, Liyah, ano itsura mo kapag wala yang salamin mo?" Anong pinagsasabi nitong si KC. Pag tinanggal ko ba to magiging kamukha ko na si Marian Rivera?

"Malamang ganun pa rin! Alangan namang maging dyosa ako no!" Sagot ko.

"Grabe ka naman. Tanggalin mo kaya yan! Hindi ka naman mukhang nerd dahil hindi pa kita nakikitang magbasa ng libro." Oo nga pala, kapag nagbabasa ako sisiguruhin ko munang mag-isa na lang ako. Nadidistract kasi ako kapag may kasama.

"Akala mo lang yun no. Never mo akong nakikita na magbasa ng libro kasi pasimple ko yung ginagawa." Paliwanag ko.

"Eh? Patanggal na lang yan para makita ko bago mong look!" Pilit pa nya. Ang kulit!

Lumabas na yung pagkachildish nya. Akin lumabas na rin pati yung kaya Aica. Lahat ng tao may pagkachildish no. Sina kuya nga mas childish pa sa akin.

"Ayaw ko!"

"Sige na! Please!!"

"Ayaw! Next time na lang."Sambit ko.

"Sabi mo yan ah!" KC.

"Oo na! O sya ano ng plano mo?" Baling ko kay Aica.

"Ganito, let's transpose their plan."

Hanu daw?

"Transpose? You mean, babaliktarin mo yung plano nila?" KC

"Yup! Piece of cake lang yan!" Weh?

"Piece of cake ka dyan!" Angal ko.

"Bakit hindi ba?" Aica.

"I-explain mo na lang kasi." Sabat ni KC.

"Fine. Ganito, imbes na tayo ang mafall sa kanila, sila ang mafo-fall sa atin." Aica.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon