Chapter 40

1.7K 53 1
                                    

Aliyah's POV




Nang makarating kami sa bahay ay agad kong tinanggal ang helmet ko at pumasok sa loob. Tinignan ko ang buong bahay pero wala si mama. Andun na ata sya sa shop nya.

Napabuntong hininga naman ako. Mali lang siguro hinala ko. Walang masamang nangyari kay mama..

Hayst.. Pero bakit nagkakaganyan si kuya? Nilingon ko sya nang pumasok sya. Andito ako ngayon sa may sala.

"Kuya, ano kasing meron at nagkakaganyan ka ngayon?" Tanong ko na naman. Parang may mali kasi talaga eh.

"Wala babybunso." kuya.

"Ano ba kasi. Halata namang meron!" ako.

Napatigil na lang ako nang bigla na lang may isang pumatak na luha sa mata ni kuya. Hanggang sa tuloy-tuloy na itong bumagsak.

"U-uyy kuya.. Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

Hindi sya sumagot at tuloy lang sa pagluha sa harap ko. Nangilid na rin yung luha ko. Pakshet naman oh!

"Kuya naman!"

Agad akong lumapit kay kuya at niyakap sya. Isinubsob nya ang ulo nya sa may balikat ko at doon humikbi. Napa-iyak na rin ako. Ito ang first time na nakita kong umiyak si kuya ng ganito.

"S-si papa.. A-alam ko na ang totoong n-nangyari at pano sya n-namatay."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya..

"A-ano? "

Humiwalay sa akin si kuya. Basa pa ang pisngi nya dahil sa pag-iyak.

"Pinatay sya babybunso."

Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko sa sinabi ni kuya.

P-pinatay?

"P-pinatay si papa." ulit pa ni kuya.

Hindi ko na napigilan at muli akong napaiyak. At sa pagkakataong ito ay si kuya naman ang yumakap sa akin.

Tuloy lang ako sa pag-iyak. At pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na rin ako. Humiwalay ako kay kuya at tinignan sya.

"Bakit sya pinatay? S-sino ang pumatay sa kanya?" lumuluhang tanong ko.

"I-isang taon ka pa lang nun babybunso kaya hindi mo na siguro maalala.. Isinama ka daw nya sa plaza. Habang andun kayo may dalawa daw na lalake ang b-bumaril kay papa.. Hindi lang isang beses..." kuya.

Huminto sya saglit bago nagpatuloy.

"S-sampung bala ang bumaon sa katawan ni papa. Tinamaan din sya sa puso kaya nang isugod sya sa ospital ay dead on arrival na."

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon