Chapter 2

4.1K 99 6
                                    

Vincent's POV





Andito pa rin ako sa garden kung saan ko nakaharap yung nerd na yun. Grabe lang, ngayon lang kasi may nakipagsigawan sa akin. Babae pa!

Pero nung nakita ko sya ay aaminin kong natulala ako saglit. Maganda naman sya. May salamin nga lang na makapal yung lens at may kalakihan din pero mahahalata mo na maganda sya kung titignan mong mabuti. Shit lang talaga!

"Hey dude, what's up?" Bati sakin ni Steeve. One of my best friend.

"Oh bakit ang tagal mo? Wala pa yung dalawa. Nauna na naman ako, tsk tsk tsk."

"Gago. Nandun pa sila sa canteen." Sagot nya.

"Eh ikaw?" Tanong ko.

"Anong ako?" Takang tanong rin nya.

"Ba't ang tagal mo?"

"Ah, may nakabangga kasi ako. Kinausap ko pa saglit."

"Hala ka! Bakit kasi nakasasakyan ka habang papunta dito sa garden? Ayan tuloy at nakadisgrasya ka pa!

Kumunot ang noo nya sa biro ko. Hahahaha!

"Gago ka ba? Nabangga, as in nakabungguan ko lang. Gago to." Sya.

Tumawa lang ako.

"Chicks ba pre ha? Ano maganda ba? Sexy? Hot?" Ako

Iyon kase ang tipo ko sa babae. Or should I say, namin.

"Sira! Oo dalawang babae. Maganda sila pareho, pero yung isa nerd ata. Nakasalamin eh. Pero maganda naman."

Ngumiti pa sya na parang inaalala yung mukha nung dalawa. Kumunot naman ang noo ko.

"Nakasalubong mo yung nerd na yun?!"

"Oo bakit?" Steeve

"Shit lang pre! Kung nakita mo lang kanina kung pano nya ko sigawan? Grabe yun!"

"Hahaha bakit naman?"

"Tawagin ba naman akong panget? Psh! Itong kagwapuhan ko? Panget?! Ha!" 

"Bakit? Gwapo ka ba?" Nang aasar nyang sambit.

Sinamaan ko agad sya ng tingin.

"Oo naman!"

Pero tumawa lang ang loko. Bwisit to!

"Hey bro." Biglang bati ni Jhake.

"Ang tagal nyo." Ako

"Ang tagal kumain ni Nash eh."

"Anong ako? Ikaw nga dyan. Puro pa-cute pa kasi." Si Nash.

"Tara na, tara na!" Steeve.

Umalis na kami sa garden at pumunta na sa klase namin. Baka malate pa kami ngayong first day ng pasukan. Biro lang, lagi naman kaming late hehe..







Aliyah's POV



Nang mahanap namin ni Aica ang room namin ay pumasok na kami. May mangilan-ngilan na ring estudyante dito. Napansin ko na may nakatingin sakin. Inilibot ko ang paningin ko sa buong room at nakita ko ang tatlong babae na nakataas ang kilay at nakatingin sa akin.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon