Angelica's POV
Lunch time na namin at hindi na pumasok si Liyah. Nakarating na pala sa teachers yung nangyari kaya naman humihingi sila ng sorry para sa ginawa nung bruhang yun. Ganon daw talaga yung ugali nya. Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa lugar kung saan nangyari yung kanina. Kapag nakita ko lang talaga yung bruhang yun makikita nya. Alam kong hindi lang nagsasalita yung apat pati na rin si Darcee dahil alam nilang hindi ako okay.
"Uhm Angelica. Mauna na kayo sa canteen. May dadaanan lang ako saglit." Basag ni Darcee sa katahimikan.
"Okay." Tipid at cold kong sagot.
Nagulat naman sya at bakas sa mukha nyang medyo nasaktan sya dahil doon. Pero wala muna akong pake alam. Ang bestfriend ko lang ang inaalala ko ngayon.
"Sige, alis na ako." Paalam nya sa apat. Tumango naman sila bilang paalam.
Lumiko si Darcee sa isang daan at kami naman ay dumiretso sa canteen. Natahimik naman ang lahat ng pumasok na kami. Para tuloy may dumaan na anghel.
Kim Darcee's POV
Pagkaliko ko sa kabilang daanan tumakbo ako kaagad kung saan ang kinaroroonan nina Dawn. Kailangan ko na syang komprontahin. Sumobra kasi sya sa ginawa nya kanina kay Aliyah. Dapat nga matuwa ako eh, pero hindi. Kabaliktaran ang naramdaman ko dahil naawa at nakonsensya ako sa ginawa nya. Nang makarating ako sa RFG (Room of Famous G) ay binuksan ko agad ito nang hindi kumakatok.
Naabutan ko naman sina Dawn, Haiddy at Nathalie na nag-uusap patungkol sa nangyari kanina. Nang makita nila ako ay tinawag nila ako papalapit sa kinaroroonan nila.
"Narito ka na pala." Nakangiting sabi ni Dawn.
"Oo nga. Hindi ka na namin kailangang tawagin tutal naman ikaw na ang pumunta dito. Kaya thanks." Si Haiddy.
"Bakit? Ano na namang ipapagawa nyo sa akin?" Tanong ko.
"Relax girl. Gusto ko lang sabihin na you're officially a member of the Famous G. Dahil doon ay magiging famous ka na." Nakangiting sabi ni Nathalie.
"Yup! Tapos na ang one month eh. Congratulations Kim Darcee." Tumayo si Dawn at niyakap ako.
"Iba na lang ang ipapagawa namin sayo." Ang kapal din naman nila. Feeling ko ginagamit lang nila ako.
"Yes and ang gagawin mo is you are going to give us some informations about that nerdy girl and her bitch friend." Sabi ni Haiddy.
"A-ayoko." Matapang kong sagot.
"What? Tama ba ang dinig ko?" Hindi makapaniwalang sabi ni Nathalie.
"You refuse our order." Si Haiddy.
"Oo. Sobra naman kasi ang ginawa nyo kay Liyah." Ako.
"I can't believe this. So mas kinakampihan mo pa sila than us?" Dawn. Wala sa sariling napatango ako.
"Then you will be expelled from this group." Dugtong pa nya.
"You choose. It's either you're going to do your new task and become famous or that nerdy girl and her bitch friend." Shit. Ano namang pipiliin ko?
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Fiksi RemajaAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...