Aliyah's POV
Inayos ko ang suot kong uniporme. Pinagpagan ko ito bago tumayo sa pagkakaupo. Kinuha ko ang salamin ko na nasa mesa sa harap ko.
"Kuya alis na tayo!" Sigaw ko habang pinupunasan ang salamin ko.
Maaga ang pasok ni kuya ngayon kaya sabay kami. Basta talaga college paiba-iba ang schedule. Malapit na rin kaming magcollege nina Aica. Sa june college na kami. Shems! Parang noon lang junior high school pa lang kami. Bilis talaga ng panahon.
"Tara babybunso."
Napaangat ang tingin ko kay kuya na nasa unang baitang ng hagdan.
"Anong ginawa mo sa buhok mo kuya?" Tanong ko.
Nakataas kasi eh. Kabaliwan na naman ni kuya tsk tsk.
"Pogi ko diba?" Kuya
Nag pogi pose pa sya. Wengya!
"Para kang shunga kuya!" Komento ko.
Napasimangot naman sya at naglakad palapit sa akin.
"Sama mo talaga babybunso." Kuya
Kinuha nya sa kamay ko ang salamin ko at sya na ang nagsuot sa akin nun.
"Oh ayan. Cute talaga ni babybunso." Sambit ni kuya.
Kinurot nya pa ang magkabila kong pisngi. Agad ko naman iyong tinabig.
"Sakit nyan kuya, hmp." Ako
Tumawa lamang sya at inakbayan ako.
"Alis na tayo.. Ma! Papasok na kami ni babybunso! Ingat ka po sa pagpunta sa shop mo ah!" Kuya
Nasa sarili nyang kuwarto si mama eh. Ewan namin ano ginagawa nya. Pinagluto nya kami ng agahan kanina at nagpaalam na may kailangan raw syang tapusin sa kuwarto nya at hanggang ngayon di pa sya natatapos.
"Sige, ingat rin kayo! Dahan-dahan lang sa pagdadrive Khian ha!" Pasigaw ring sagot ni mama.
"Opo ma!" Kuya
Kinuha nya ang bag ko at sya na ang nagdala nun hanggang sa makalapit kami sa motor nya.
"Oh eto bag mo babybunso."
Kinuha ko naman sa kanya iyon. Agad nyang isinuot sa akin ang isa sa helmet nya bago nya isinuot ang kanya...
Pagkarating namin sa parking lot ng F.U. ay agad kong iniabot Kay kuya ang suot kong helmet. Itinago nya ang kanya at sa akin bago kami sabay na naglakad. Nakaakbay na naman sya sa akin habang ginugulo ang buhok nya na kanina at nakaayos na parang paalon.
"Bat mo ginulo kuya?" Tanong ko.
"Wala. Narealize ko lang na para ang manok." Sagot ni kuya.
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Teen FictionAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...