Aliyah's POV
Hindi ko pa rin nakakalimutan yung nangyari last week. Kung saan nawala ang first kiss ko pati na rin yung second. At hanggang ngayon din ay hindi ko pa nakikita si Vincent. Mabuti na rin yun kasi hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan. Baka pag nandyan sya awkward lang lagi ang atmosphere.
"Hoy babybunso! Tulala ka na naman! Sabihin mo nga, ano ba kasing nangyari last week?" Si kuya. Lagi nya akong kinukulit doon. Di ko naman sinasabi kasi baka asarin na naman ako at sabihin kay mama.
"Wala nga. Sumama lang kami sa palaro yun lang." Yan din ang lagi kong sagot.
"Bakit tulala ka minsan? May hindi ka sinasabi sa akin eh!" Kahit kelan isip bata at makulit!
"Wala nga kasi kulit mo talaga kuya."
"Umamin ka na kasi! Nakita ko yung nangyari." Kinabahan naman ako. Shet! Nakita nya?!
"A-ano?" Kabado bente!
"Yung kumain kayo sa canteen! Di mo man lang ako tinawagan para makisalo!" Buset to! Kala ko naman yung alam mo na!
"May pera ka naman! Kain ka na nga lang. Ang ingay mo." Singhal ko. Nagpout na naman sya. Childish!
Nagsalita ang hindi childish.
"Sungit." Bulong nya at nagsimula ng kumain.
Kumain na lang din ako. Salamat naman at tumigil na sya sa kakatanong. Nasa kusina pa si mama at may inaasikaso doon. Agad ko ng tinapos ang pagkain ko dahil maya-maya lang ay dadating na sina Aica. Sabay na rin kaming pumapasok nina KC. Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na ang mga step sisters ko na nagpahirap sa akin, de joke lang.
"Hey Liyah." Si Aica. Yung pagbanggit nya nung 'Yah' sa Liyah maarte. Anong drama yan?
"Hindi ka pa ba tapos." Si KC, yung 'o' sa 'tapos' nya may pa 'oww'.
"Anong klaseng pagsasalita yan? Para kayong mga ewan." Kunot noong sambit ni kuya.
"We're not 'ewan' kuya Khian 'ya know." Nagflip hair pa ang loka. Grabe ka teh!
"Wag mo na pansinin yan kuya. Good mood yan panigurado kasi siguro katext sina Steeven hihi." Bulong ko.
"Nakikipagtext sila sa mga totoy na yun?" Kuya.
"Oo. Alam mo na, type kasi nila yun--" naputol yung sinasabi ko dahil kay KC at Aica.
"Ano na namang sinasabi mo dyan sa kuya mo ha Keesha Aliyah Bautista." Nakataas ang isang kilay na tanong nila. Nakacrossed arm pa.
"H-huh? Wala ah! May tinatanong lang ako." Palusot pa more Liyah.
"Anong tinatanong ka dyan. Sinabi mo na good mood sila kasi katext nila yung mga totoy--" what the!
"Toyo? Anong toyo kuya? Kumuha ka na lang sa kusina, alis na kami. Bye!" Hinila ko na sila palabas. Kahit kelan di marunong makisama yun!
"Teka lang babybunso!" Pigil pa ni kuya pero nakalabas na kami.
"Ikaw Liyah ah!" Sila.
"Chos lang yun, hehe. Peace tayo mga kaibigan." Umakbay pa ako sa kanila.
"Tse!"
Nakarating na kami sa parking lot ng FU. Pagbaba ko ay bigla akong kinabahan nang makita ko ang sasakyan nung apat. Syet! Andito sila!
BINABASA MO ANG
She's Not Just A Nerd! (EDITING)
Teen FictionAng kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang apat na lalakeng mga gangster pala at mga playboy. Taon-taon ay may pinaglalaruan ang mga itong babae...