Chapter 54

1.4K 43 0
                                    

Aliyah's POV






"Ma oh si kuya! " sigaw ko.

Binelatan lamang ako ni kuya at patuloy na kinukuha ang pagkain ko. Buset! Kay aga-aga eto pambungad nya!

"Ano ba kuya!!"

"Bleeh! Bawi ko to sa pang-aasar mo saken dun sa ospital!" Sambit ni kuya.

Umagahan namin ngayon. Pancake na pinares sa gatas. Nakalabas na si mama sa ospital nung isang araw lang.

"Wengya ka kuya! Bahala ka nga dyan!" Sigaw ko saka ko kinuha yung isang pancake nya nang medyo maibaba nya yung kamay na tumatakip dun at binuhat yung plato ko.

"Babybunso! Balik mo yun!" Kuya

Di ko sya pinakinggan at tumakbo na ako paakyat. Tinungo ko ang kuwarto ni mama at doon pumasok. Agad kong inilock ang pinto. Nilingon ko si mama at nakita kong isinara nya iyong notebook na mukhang pinagsusulatan nya ng ewan ko.

"Oh anak. May kailangan ka ba?" Mama

Naglakad ako papunta sa kama ni mama at doon ipinatong yung plato ko.

"Hmp. Si kuya ma, gumaganti na dun sa pang-aasar natin sa kanya." Sagot ko

Narinig kong mahinang napatawa si mama. Naglakad sya palapit sa akin.

"Kayo talagang dalawa."

"Hehe. Gusto mo ma?" Alok ko

Itinaas ko yung tinidor na may piraso ng hiwa ng pancake. Tinanggap naman iyon ni mama.

"Sarap ah. Ikaw ba nagluto nak?" Mama

Proud ako tumango habang ngumunguya.

"Pasado na ba ma? Hahaha."

"Pwede na. " mama

Ngayon ko lang mas napagmasdan si mama ng mabuti. Medyo tumatanda na si mama. Ewan pero natatakot ako at nalulungkot sa isipin na kapag tumanda na kami, tatanda rin sya at kukunin sya sa amin.

Erase that. Takte wag naman shit.

Napatingin kami ni mama pareho sa pinto nang may malakas na kumatok doon. Ayan na hahaha.

"Babybunso! Ni-lock pa talaga, ma oh! Ma! Buksan nyo!" Sigaw ni kuya dun sa labas.

Pareho kaming natawa ni mama. Umiling-iling pa si mama.

"Iyang kuya mong yan talaga. Kahit kelan isip basta pa rin. Bente na at yan yan pa umasta hahaha." Mama

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon