Nandito ako ngayon sa aking opisina sa aking ospital. May hawak ako ngayong mga folder na naglalaman ng classified information.
Galing ang mga folder na ito sa aking private investigator. Kakapadala lamang niya nito.
Di na ako nagpatumpik-tumpik pa at binuksan ang folder. I got my cup of coffee and took a sip from it.
Sinimulan kong basahin ang mga laman ng folder. Habang isa-isa kong binabasa ang mga papel at tinitignan ang mga litrato ay napakunot ang aking noo.
"Doc, we need you in the emergency room. Now!" a nurse said upon entering my office.
Damn it. Natapon tuloy ang kape ko. Tinignan ko nang masama 'yong nurse. Nang makita ko kung sino ang nurse ay napangisi ako. I tried to hide my devilish smirk as I put my cup of coffee down.
Walang sabi-sabi ay kinuha ko ang white gown ko at sinuot. Tumayo na ako at lumapit sa babae. Lalabas na sana 'yong nurse nang iharap ko siya sa 'kin. Tumingin ako sa ID niya.
Eleanor Dizon
Nang iangat ko ang aking tingin ay nakita kong nakatingin din pala siya sa 'kin. Nakakunot ang kanyang noo. Halata sa kanyang mukha na siya ay nagtataka.
"Doc! They need you now!" iritable niyang sambit sa 'kin.
Hinawakan ko ang chin ni Eleanor at iniharap sa mukha ko.
"Malala ba kaya kailangan ako sa emergency room?" tanong ko as I looked into her eyes.
Naiilang siya. Ramdam ko 'yon. Pinigilan ko ang aking sarili na muling mapangisi.
"O-Opo."
Isinarado ko ang pinto at isinandal siya sa pader.
"D-Doc?"
"Shh, Eleanor. I know you want this."
Still holding her chin, I gently pulled her closer to me. Ipinikit niya mga mata niya. Stupid. Akala niya talaga hahalikan ko siya?
"D-Doc?"
Hindi ko siya hinalikan. Binitawan ko siya at tuluyang nalaglag ang katawan niya sa sahig.
"A-Ano pong ginawa niyo? Bakit hindi ako makagalaw?"
Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong syringe. It was full of an unknown, transparent blue liquid.
"I'll deal with you later, sweetheart. Sweet dreams," sabi ko. Pagkatapos ay ini-lock ko ang pinto ng aking opisina. I'll deal with Eleanor later.
I didn't waste anymore time. I walked as fast as I could to the emergency room. Nang makarating doon ay nakita kong may pasyente silang ino-operahan.
Nang mapatingin ako sa cardiac monitor ay unti-unti nang nawawala ang heartbeat nito.
"Get out of my way!" sigaw ko.
Dahil sa takot, nagtabihan ang ilang mga doctor doon.
Pagkatapos mag-sanitize ay sinuot ko na ang gloves ko. Nagsuot na rin ako ng mask.
"May bullet po sa brain niya. Masyadong malalim. Kapag sinubukan naming tanggalin at mamali nang kuha, baka tuluyang mamatay ang pasyente," nanginginig na sambit ng isang doctor.
That's all I needed to know.
Tama nga ang mga kapwa doktor ko. Malalim nga ang bala sa utak ng pasyente. Kapag may nadali ako, paniguradong patay na ang pasyenteng ito. Not that it was a bad idea.
Ilang oras din ang nagtagal bago ko tuluyang mahugot ang bala sa utak ng pasyente.
Natuwa naman ang mga kapwa kong doctor kasi nailigtas namin ang pasyente. Nailigtas ko pala.
BINABASA MO ANG
Breaking Point
ActionAmong the guns, they are the roses, disguised as the weak. But little do some people know that they're also deadly because of their thorns. ××× Language: Filipino Status: COMPLETED //revising//