[ C H A P T E R 2 7 ] : Final Clue

129 9 0
                                    

[ C H A P T E R 2 7 ] :
Final Clue

°°°

Thank you @byuntaeism for the new book cover. Nasa multimedia yung bc if you wanna take a look :)

°°°

(Third person's POV)

ILANG araw na ang nakalipas matapos mangyari ang pandurukot kay Ashwin Montecillo. Ang insidenteng iyon ang laman ng mga dyaryo at telebisyon sapagkat hindi basta-bastang tao ang dinukot. Kabilang si Ashwin sa mga kilala at mayayamang angkan dito sa Pilipinas kaya agad nakuha ang atensyon ng mga tao.

Sa gitna ng nagaganap na kaguluhan ay may isang taong patuloy pa rin na nagmamanman sa mga kilos ng ilang mga tao.

"Dad, hanggang kailan pa ba tayo mananahimik?" tanong ng binata sa kan'yang ama na kasalukuyang pinanonood mula sa telebisyon ang mga taong minamanmanan niya.

"Maghintay ka lang anak. Mapapabagsak din natin sila. Malapit na. Kung di lang may isang balakid na dumating," nadidismayang sabi ng matanda.

Tumingin siyang muli sa monitor at nakita ang kan'yang mga pinadalang tao na kasalukuyang nagmamanman sa kumpanya ni Siegfreid.

Kaunti na lang, malalaman ko na rin kung nasaan si Maria Eliana. 'Yan ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan ng matandang lalaki.

Kung hindi lang dahil si Siegfreid ang makakaintindi ng mga riddle ni Maria Eliana ay matagal na niyang pinapatay ito.

Sa kabilang banda naman ay nakakulong sa isang kwarto si Ashwin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sigurado kung nasaan siya at kung sino ang nagpadukot sa kan'ya. Ang tanging naiisip lamang niya ngayon ay si Thea.

Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang nabasa niya sa puzzle.

'I was pretending all along. I was the one who shot Ashley. I will soon unveil who I am.'

Hindi niya lubos maisip kung bakit 'yon magagawa ni Thea. Sa pagkakakilala niya sa babae ay hindi ito makabasag ng pinggan.

Sino ka ba talaga, Thea? Para kanino ka nagtatrabaho? Kalaban ka nga?

Maraming mga tanong ang pumapasok sa kan'yang isipan at naghahanap siya ng sagot. Natigil siya sa kan'yang pag-iisip nang marinig niyang may bumubukas ng naka-lock na pinto. Napatayo si Ashwin at hinintay pumasok ang kung sino mang nasa kabila ng pinto.

Nang mabuksan ang pinto ay pumasok do'n ang isang taong di niya kilala pero tila pamilyar ang mukha nito sa kan'ya.

Pagkapasok ng taong 'yon ay isinarado niya ang pinto at ni-lock. Nakatayo lamang ito sa harapan ni Ashwin at nakahalukipkip na tila ba hinihintay niya magsalita ang lalaki.

Saglit na napaisip si Ashwin at kinikilala kung sino 'yong nakatayo sa kan'yang harapan.

Nakita na yata kita dati. Pero saan?

Maya-maya ay nanlaki ang mga mata nito nang makilala kung sino ang taong nasa kan'yang harapan ngayon.

°°°

(Siegfreid's POV)

KASALUKUYAN kong binabantayan si Thea ngayon. Pagkatapos niyang mahimatay ay binuhat ko siya at dinala sa kwarto ko sa taas.

I asked the maids to bring me a basin of water and a towel, pati na rin mga extra na damit ni Pac para maipahiram ko kay Thea.

Sa ngayon ay pinupunasan ko ang mga galos at sugat ni Thea habang wala siyang malay. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kaya siya nagkaroon ng gan'tong karaming sugat.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon