[ C H A P T E R 2 9 ] : Long lost

107 8 2
                                    

[ C H A P T E R   2 9 ] :
Long lost

°°°

A/N: The book cover in the multimedia is edited by me.

°°°

(Siegfreid's POV)

MATAPOS namin pakinggan ang mga sinabi ng aking kapatid ay nag-request muna kami ni Ashwin na magpahangin. Masyado kaming nawindang sa aming mga nalaman.

Hindi ko alam kung saan nagpunta si Ashwin para magpahangin. Basta ako, nandito ako sa may balkonahe ng mansyon nina Ria o Maria Eliana. She said she prefers to be called Ria rather than her full name.

I looked around and saw that I was in a different place now. Nagtataka lang ako kung saan. I don't know if I'm correct but I believe I'm not in the Philippines anymore dahil sa itsura ng kapaligiran. Sa may malapit, nakakita ako ng isang ice skating rink. Just how big and wide is this place kaya nakapagpatayo sila ng ice skating rink?

"I know you're wondering where we are." Nagulat ako nang makita na nasa tabi ko na pala si Ria. Am I really that lost in thought kaya hindi ko siya agad napansin?

Tanging pagtango lang ang ginawa ko bilang sagot.

I faced the scenery in front of me. Ang lugar na ito ay nagbibigay ng soothing feeling sa akin. Dito sa lugar na ito, pakiramdam ko wala kaming kinakaharap na malaking problema ngayon. Kahit mayro'n naman talaga.

"We're in Yekaterinburg," she said as she stood beside me, grabbing on to the rail.

Napatingin naman ako sa kan'ya. I was astonished.

"We're in Russia?" I asked.

Tumango siya at tumingin din sa 'kin.

"Paano kami napapunta rito?" tanong ko.

"You were asleep the whole trip. Naparami yata 'yong turok sa 'yo ni Ate Pacifica. You were supposed to be awake on the plane. Do'n dapat magpapaliwanag ang kapatid mo. But yeah, naparami ang turok. Same as Ashwin. Ate Pacifica can never seem to get the dosage of sleeping serum right," she chuckled at her thought.

I looked in front once again.

"Tell me, 'yon lang bang sinabi ng kapatid ko ang hindi namin alam?"

I heard her sigh before answering my question.

"No. That's not all. There are still a few things that you need to know."

"Like what?"

Matagal na hindi sumagot si Ria kaya sumulyap ako sa kan'ya. I saw that her lips were pressed in a thin line.

"It's better if it came from Ate Pacifica," sabi niya.

I sighed bago ako tumalikod at naglakad pabalik sa loob. Naramdaman kong sumunod na sa akin si Ria. Nang makababa ako sa may living room ay nakita ko ang aking kapatid. Nakaupo siya sa sofa at may kasamang isang lalaking hindi ko kilala.

Nagulat ako nang lumapit ang mukha ng lalaki sa mukha ng aking kapatid na ngayon ay nakapikit.

"Hoy! Sino ka?"

Agad akong lumapit sa kanila at hinila patayo si Pacifica.

"Siegfreid, wait-"

Napaharap ako sa kapatid ko at nakitang nakapikit pa rin siya.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ko.

Her brows furrowed as her eyes were still closed.

"Napuwing ako. At hihipan lang niya ang mata ko. He's not going to kiss me if that's what you're thinking."

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon