[ C H A P T E R 1 1 ] : Code

219 15 2
                                    

[ C H A P T E R   1 1 ] :
Code

°°°

(Pacifica's POV)

MAG-ISA ako ngayon dito sa mansion ni Sieg. Ang alam ko ay sa ospital niya siya pumunta. Kung anong gagawin niya, wala akong pake. Basta ang alam ko ngayon ay GUTOM NA AKO!

Nakahiga lamang ako sa kama ko dito sa kwarto ko. Wala akong magawa. Sawa na akong manood ng tv. Paulit-ulit lang naman ang pinapalabas na movies sa Fox. Napanood ko na ang mga 'yon. Kung ililipat ko naman sa cartoons, mga napanood ko na rin ito katulad ng Phineas and Ferb.

Nakatihaya akong nakahiga sa aking kama tapos nagpaikot-ikot. I'm so boooooooored. Kung nandito lang si Sieg, baka niyaya ko na 'yon gumala. Papayag 'yon for sure. Ako magsasabi eh. Saka wala naman na siyang magagawa.

Kaso dahil wala siya dito kaya hindi ako makagala. Ayoko naman gumala mag-isa kasi ewan. Basta ayoko.

I sighed bago ko naisipang bumaba na lang ako at maghanap ng pagkain. Tumayo na ako mula sa aking pagkakahiga at bumaba.

"Magandang araw po, ma'am Pacifica. May kailangan po ba kayo?" tanong ng isang katulong pagkapasok ko sa kusina.

Umiling lang ako. "Magluluto lang po ako."

"Ako na ho ma'am."

"'Wag na. Okay lang," sabi ko bago ngumiti.

Yumuko naman 'yong katulong bago lumabas ng kusina. Pumunta naman ako sa ref at tinignan kung ano-ano ang laman nito.

Puro karne halos ang nandito. Eh nagbabawas na nga ako sa pagkain ng karne eh. Napasimangot na lang ako bago ko kuhanin ang isang cereal box ng Honeystars sa taas na shelf. Kumuha na rin ako ng isang carton ng gatas. Pagkakuha ko ng spoon at bowl ay naupo na ako sa breakfast nook.

Nilagyan ko ng Honeystars at gatas ang bowl tapos nagsimulang kumain.

Habang kumakain ako, nag-ring naman ang phone ko kaya kinuha ko ito. Pagtingin ko dito ay napakunot ang aking noo bago ko sinagot.

"Hello? Tita-"

"This is not her."

Napatigil naman ako ng hindi boses ni tita ang marinig ko kundi boses ng isang lalaki.

"Sino ka?" seryoso kong tanong.

Mahabang katahimikan ang nanaig bago ko narinig na umubo siya.

"Mag-iingat ka. T-Tinapos na nila ang tita mo. Ngayong wala nang p-pipigil sa kanila, kayo naman ang s-susunod na t-target."

Magsasalita na dapat ako nang maputol ang tawag. Nakaramdam naman ako ng matinding kaba. P-Patay na rin si tita?

Nakatanggap naman ako ng isang text message, a few seconds after the call.

Nang buksan ko ang mensahe, nagtaka ako. Puro mga letra.

Hindi ko na inubos ang aking cereal. Tumayo na ako at agad na dumiretso sa aking kwarto. Nilock ko ito pagkapasok. Kumuha naman ako ng papel at ballpen bago naupo sa may mesa sa kwarto ko. Isinulat ko sa papel ang natanggap kong mensahe.

G I E S O R

I N I D R M

M O E N S A

N E C E R S

Pagkasulat ko nito ay tinitigan ko muna ng ilang saglit. Habang pinagmamasdan ko ang code ay nakatanggap ako muli ng isa oang mensahe.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon