[ C H A P T E R 1 2 ] : Explosion

204 14 1
                                    

[ C H A P T E R   1 2 ] :
Explosion

°°°

(Pacifica's POV)

KAGAGALING ko lamang sa aking pinuntahan kanina pagkaalis ko ng mall. Wala naman akong gaanong napala kasi ako'y umalis agad. Sa susunod na lang ako babalik.

Ngayon ay kalalabas ko lamang ng isang salon. Naisipan ko kasing magpagupit at magpa-manicure at pedicure muna bago umuwi. Nagpalagay ako ng bangs. Ang cute kasi.

Ngayon ay sumakay na ako ulit sa aking motor at nagmaneho pauwi. Pagkarating ko sa bahay ay nakasalubong ko si Sieg na papalabas yata ng bahay.

"Saan ka nanggaling?" tanong niya sa 'kin.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat. Nakakagulat naman ito. Kararating ko lang tapos gan'to ang bungad. Sobrang seryoso.

"Nagpagupit lang ako. Naisipan ko kasing paiklian ng kaunti ang buhok ko at magpalagay ng bangs," nakangiti kong sagot sa kan'ya.

Pagkasagot ko, tinaasan lang niya ako ng kilay. Wow lang ah. Nice answer. "Tara. Sa labas tayo kakain," sabi niya.

Tumango naman ako. Sumabay na lang ako sa paglalakad n'ya nang may mapansin ako.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit parang hindi mo mailakad ng ayos ang isa mong paa?" tanong ko sa kan'ya at tinignan mabuti ang kan'yang binti.

"Wala 'to." Wiw. Why so cold, dear brother? Nagtatanong lang ako eh. Nag-pout na lang ako.

Parehas na kaming pumasok sa kotse. Pinaandar na niya ito at nagmaneho paalis, papunta sa isang kainan.

Tahimik lang kami sa byahe kaya naisipan kong kumuha ng isa sa mga CD niya dito sa kotse at nilagay sa player. Nagsimula nang magpatugtog habang ako ay sinasabayan ko lang ito at kumumpas na parang bata para feel na feel ko 'yong kanta.

Habang kumakanta ay nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay at tignan.

"Anong nangyari sa kamay mo? Nadapa ka ba o ano?" tanong niya. Napatingin ako sa kamay ko at nakita kong may gasgas.

"Oo. Natapilok ako kanina sa mall kasi may bruha na insecure yata sa 'kin. Tinalapid ako. Pero mas nainis yata siya sa 'kin kasi may lalaking tumulong sa 'kin tumayo. Haha!" pagkwento ko sa kan'ya. Wala namang tumulong sa 'kin. Trip ko lang sabihin 'yon para wala lang. Haha!

Pagkatapos no'n ay naging tahimik na naman siya. Hmp. What's up with him? Ang weird niya ngayon ah.

Nakarating na kami sa madalas naming kainan no'ng mga bata pa kami. Pagka-park niya ay bumaba na kaming dalawa at pumasok.

A waiter lead us to a table. Pagkaupo namin ay inabutan nito kami ng isang menu. Habang namimili kami ng aming pagkain ay may napansin akong dalawang taong kararating lang at naupo sa table sa gilid lamang namin. Pagtingin ko kung sino ay nanlaki ang mga mata ko.

Napatingin din siya sa 'kin at nanlaki rin ang kan'yang mga mata.

"Bff! Nandito ka rin pala. Sino kasama mo?" tanong niya habang nakatingin kay Sieg.

Napatingin naman ako kay Sieg at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. Inirapan ko na lang siya at saka tumingin kay Ashley.

"Kapatid ko nga pala," sabi ko.

Ni-request ko naman sa waiter na ihanap kami ng bagong table. 'Yong pang-apatan. Kasama rin kasi ni Ashley 'yong kapatid niyang si Ashwin.

Tumango naman sa 'min ang waiter at pinaupo kami sa isang apatan na table. Magkatapat kami ni Ashley habang magkatapat naman si Sieg at si Ashwin. Katabi ko si Sieg syempre. Ayoko ngang tabihan si Ashwin.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon