MESSAGE

174 7 13
                                    

Hi guys! Oh my gosh! At last tapos na rin ang story ko!

I didn't actually expect to finish it this fast because I know for myself na isa ako sa mga writer na tamad mag-type ng chapter para sa next update HAHAHA.

Pero look at me now, nakatapos ng isang story omg. It may be short. 35 chapters lang kasi plus the prologue and the epilogue. Pero still. I'm happy at naitaguyod ko na rin ang storyang ito.

Pero paano ko nga ba naisip ang storyang ito?

Actually, hindi ko talaga balak subukan na magsulat ng story na may genre na mystery/thriller, or action man lang kasi no'n, teen fiction story writer ako. Pero mahilig naman ako sa action stories etc 'yon nga lang hindi ko nasusubukan isulat pa.

So if that's the case, paano or bakit ko naisipan magsulat ng gan'tong klaseng storya?

Well, ganito kasi 'yan.

I have a friend and I asked him to give me a story genre at kung tungkol sa'n ang story kasi gusto ko magsulat. I let others decide para ma-challenge ko ang sarili ko na magsulat out of my comfort zone.

So ayon. He said na basta tungkol sa isang Psychotic Doctor ang isulat kong storya. I actually had a hard time writing it no'ng una kasi first of all, HINDI KO ALAM KUNG PAANO KUMILOS ANG ISANG PSYCHO! 😂

So habang isinusulat ko ang prologue, I asked him for brutal scene ideas na pwede ko ilagay sa story.

And can you imagine, ang dami niyang suggestions at brutal talaga. As in shocks ang dami kong nabasa sunod-sunod sa pm. Super detailed pa.

No'ng una nandidiri ako but eventually I found myself enjoying sa pagbabasa at pagsusulat ng brutal/action scenes.

The original title of this book is Psychotic Doctor talaga but like I've said, hindi ko talaga alam paano umakto ang isang psycho so I revised the prologue and a few chapters a bit para umakma 'yong simula sa naisip kong plot.

Kada type ko ng bagong chapter ay nakakaisip ako ng panibagong pwedeng gawing plot twist o ano. Si Simone Gabriel Fletcher, wala talaga siya sa mga nauna kong set ng characters na naisip pero nang maisip ko ay agad ako natuwa kasi may bagay na role for him.

Anyways maiba. Thank you sa lahat ng nagbasa ng storyang ito mula sa simula pa lang.

Hi sa 'yo! Itago natin ikaw sa pangalan na Siegfreid! Hoy, Sieg! Kung hindi dahil sa suggestion mo ay hindi ko maiisip na isulat ko itong storyang ito. Salamat ha? Salamat din sa paggawa ng ilan kong mga book cover para sa mga books ko! Pasensya na kung minsan ay naiistorbo kita sa aking kakulitan.

Alam mo ba nahirapan ako ng slight na i-pattern ang ugali ni Siegfreid sa storya ko sa ugali mo? Lalo na sa way ng pananalita at pagta-type mo shocks hahaha.

Hi sa isa ko pang friend na itatago natin sa pangalang Hyacinth. Beh, sorry wala akong nasulat na bed scene na hinihingi mo. 'Yong sabi mo ay dapat kayo ni Sieg XD

Hi rin sa isa ko pang friend na itatago natin sa name na Daryl. Kamusta ka na? I miss you! Hindi na tayo gaano nag-uusap these past few days dahil parehas din tayong busy. 'Wag mo 'ko kakalimutan ha?😂

Isa pa. Isa pang friend na itatago ko sa name na Analyn or Angge. Beh at laaaast tapos na rin 'yong storya shocks! I know binabasa mo rin 'to at maraming salamat sa patuloy na pagbabasa. Labyuuu!

Hi ulit sa mga nagbabasa! Wala na talaga akong ibang masabi sa inyo kundi thank you.

Sa mga nagvo-vote sa story ko, thank you po so much.

Sa aking mga silent reader, labas naman kayo?😂 Pero thank you kasi kahit tahimik kayo ay binabasa niyo pa rin ito.

Sa tingin ko ay may na-disappoint kasi hindi nagkatuluyan 'yong ship nilang AshSieg kasi you know, kontrabida pala si Ashley.

Sorry if gano'ng ang role niya. 'Yon kasi talaga ang fit sa tingin ko para mabuo 'yong story hahaha. Saka ayaw ni Sieg na may kalabteam siya. Bitter ata si koya charot!

Lastly, I want to thank my mom. Kasi no'ng nalaman niyang nagsusulat ako ng story sa wattpad, tinanong na niya agad ang username ko. Sasabihan daw niya 'yong mga staff niya sa ospital na may wattpad na basahin ang story ko. Thanks din sa 'yo mama sa pagtulong sa 'kin sa pagsulat ng ibang scenes ko sa storyang 'to kung saan may medical terms or procedures na involved.

Thank you rin, mama sa moral support! I love you!

Hi rin sa aking pinsan. Ate Yhen! Tapos na at last ang story ko! Mababasa mo na siya ng tuloy-tuloy omg!

So ayon. Wala na akong ibang nais sabihin kundi thank you!

Salamat sa pagbabasa!

Sa susunod ko na ie-edit 'yong mga chapter HAHAHA.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon