[ C H A P T E R 2 4 ] : Patient

153 11 5
                                    

[ C H A P T E R   2 4 ] :
Patient

°°°

(Third person's POV)

TINATAWAG pa rin ni Thea ang pangalan ni Siegfreid upang pigilan itong lumabas ng kanilang kwarto. Itatanong niya sana kung saan ito pupunta ngunit nakalabas na ito kaya hindi na niya naitanong.

She just sighed as she relaxed herself on the bed that she's lying on right now. Kahit na medyo masakit pa ang kan'yang katawan, pinilit niya pa ring abutin ang kan'yang cellphone. Nang maabot niya ito ay pumunta siya sa kan'yang contancts sapagkat kailangan niyang matawagan ang isang mahalagang tao ngayon.

Sa kabilang banda, si Siegfreid naman ay papunta sa restaurant na sumabog. Ito ang restaurant kung saan namatay ang kan'yang kapatid.

Where everything started falling into place...

Iniisip niyang dito niya mahahanap ang clue na sinasabi ni Maria Eliana kaya napagpasyahan niyang dito pumunta.

Hindi nagtagal nang makarating na rin siya sa lugar na pinagmulan ng kan'yang kalungkutan at kasawian.

Nang tignan niya ang kabuuan ng restaurant ay hindi pa rin ito naaayos. Patuloy pa rin kasi hanggang ngayon ang imbestigasyon sapagkat hindi pa rin nahahanap ng mga pulis kung sino ang posibleng may pakana ng pasabog na nangyari.

May nakita siyang mga pulis na nandoon pa rin at pipigilan pa sana siya ng isa sa kanila nang maglabas at magpakita siya ng kan'yang I.D. kaya hinayaan na lang siya ng mga pulis na pumasok.

"Magandang hapon po," bati sa kan'ya ng isang pulis na sa tingin niya ay ang namumuno ng imbestigasyon na 'yon.

Tinanguan lamang siya ni Siegfreid. "May nahanap na ba kayong mga clue kung sino ang may kagagawan ng pagsabog?" tanong ni Siegfreid.

Umiling lamang ang pulis bago sumagot. "Wala pa po, Mr. Fletcher. Malinis ang pagkakagawa ng krimen sapagkat wala yata silang iniwan na maaaring makapag-lead sa kanila. Planadong-planado talaga ang pagkakagawa ng kanilang krimen."

Napabuntong-hininga na lamang si Siegfreid at napailing. "Sige. Magtitingin-tingin na lang muna ako."

Tumango na lamang ang pulis at umalis na. Si Siegfreid naman ay naglalakad-lakad sa lugar na 'yon. Pumasok siya sa building na ngayon ay sira-sira pa rin. Maingat ang kan'yang naging mga galaw sapagkat baka siya ay mabagsakan ng kung anumang debris ang nandoon.

Napadpad siya sa may sira-sirang parte ng restaurant. Nandoon pa rin ang mga tumba-tumbang mga mesa at upuan. Sa eksaktong lugar na ito niya natagpuan ang kan'yang kapatid na walang malay.

Napaupo na lang siya nang tinatandaan ang araw na 'yon.

Hindi niya sinasadyang mapalingon sa isang parte nang mesa nang makita niyang may parang papel na nakadikit rito. Nakagugulat at hindi ito kabilang sa mga nasunog.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa at kinuha ang papel na nakatupi at naka-stapler. Tinanggal niya ang stapler at unti-unting binuksan ang papel at binasa ang nakasulat doon.

---

Mag-iingat ka sa mga nasa paligid mo, kuya. 'Wag kang basta-basta magtitiwala. Baka 'yong taong akala mong inosente ay siya palang kasapi sa mga taong nais tayong patayin.

-Pacifica

---

Nanlaki ang mga mata ni Siegfreid nang ma-recognize ang sulat-kamay ng kan'yang kapatid. Bago pa man ito mamatay ay nagawa pa niyang bigyan ako ng babala. Hanggang sa kamatayan ay siya pa rin ang inaalala nito.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon