[ C H A P T E R 3 5 ] :
Forgiven°°°
(Pacifica's POV)
"Pach! Matagal ka pa ba d'yan?" malakas na sigaw ni kuya Simone mula sa labas ng aking pinto.
"Bilisan mo kumilos, Pacifica! Mag-ipit ka rin for Pete's sake. Hindi pwedeng ako palagi ang mag-iipit sa 'yo," sigaw ni kuya Sieg mula rin sa labas ng aking pinto.
Napairap naman ako habang isinusuot ko ang aking skirt.
"Oo! Malapit na ako matapos," sigaw ko naman sa kanila pabalik.
After wearing my skirt, I tucked my shirt in. I am wearing a white shirt which is partnered with a black skirt that reached above my knees. Pagkatapos magsuot ng skirt ay sinuot ko na ang aking sneakers.
Humarap na ako sa aking salamin at madaliang tinali ang buhok ko in a messy bun. I just used chopsticks to hold my hair in place.
After that ay saka lamang ako lumabas ng pinto. Outside my door, I found my two brothers waiting for me. Both are impatient as ever.
"Ang tagal talaga kumilos ng mga babae," komento ni kuya Sieg.
"Agree," pagsang-ayon pa sa kan'ya ni kuya Simone.
Napairap naman ako. Itong dalawa talaga, simula nang magising ako ay naging hilig na yata nila ang pagtulungan ako.
"Magtigil na nga kayo. Tara na. Kanina niyo pa ako minamadali tapos kayo naman ang babagal-bagal," I said.
Napangisi naman si kuya Sieg. Nagkatinginan sila saglit ni kuya Simone bago ako nila sabay na akbayan.
"Get your arms off me. Ang bibigat niyo," pagreklamo ko sa kanila.
Ngunit puro tawa lang ang sinagot nila sa 'kin. Ah sige ha. Ayaw niyo tanggalin ha.
Siniko ko sila parehas bago ako kumawala sa akbay nilang dalawa. Dali-dali naman ako naglakad papunta sa hagdan bago ko sila nilingon. Ayon. Parehas nakakapit sa mga tiyan nila. Buti nga sa kanila.
Nakita ko namang tinignan nila ako ng masama kaya napatakbo agad ako pababa ng hagdan habang tumatawa ng malakas.
Pagkarating ko sa baba ay binati na ako ng mga katulong. Nginitian ko na lang silang lahat na bumabati sa 'kin bago ako dali-daling lumabas ng mansyon.
Pagkababa ko sa steps ng mansyon ay sumakay na ako sa nag-aabang na kotse. Do'n ko na lang hinintay ang aking magagaling na kambal na kuya.
Anyways, it has been a week or two ever since I was discharged from the hospital. It feels nice at nakalabas na rin ako do'n. Hindi ko kaya 'yong feeling na parang nakakulong ako sa presinto kapag nando'n ako.
At sa loob ng dalawang linggong 'yon ay walang ibang ginawa ang aking mga kuya at kaibigan kundi alagaan ako. Honestly, I felt useless kasi ginagawa nila lahat para sa 'kin. I honestly don't want that.
At sa loob din ng dalawang linggo, kasabay ng pag-aalaga sa 'kin ng kambal kong kuya ang kanilang pang-aasar sa 'kin sa lahat ng bagay. Kahit ano basta maaasar nila ako. Sheez. Kambal nga sila.
Pero natutuwa talaga ako at nagkakasundo na sila kahit papaano. Minsan kasi, parang aso't pusa pa sila sa ilang mga bagay.
Isang halimbawa na lang sa mga channel sa tv. Kapag nanonood kasi si kuya Sieg, sa Warner Brothers na channel siya madalas kasi hilig no'n panoorin 'yong The Mentalist. Mahilig kasi manood si kuya Sieg ng mga series especially kapag about sa mga crimes o kaya mga detective. Paborito nga rin niyan ang Major Crimes na isa ring tv series sa Warner Brothers na channel.
BINABASA MO ANG
Breaking Point
AçãoAmong the guns, they are the roses, disguised as the weak. But little do some people know that they're also deadly because of their thorns. ××× Language: Filipino Status: COMPLETED //revising//