[ C H A P T E R 1 8 ] : Kidnapped

216 11 3
                                    

[ C H A P T E R   1 8 ] :
Kidnapped

°°°

(Siegfreid's POV)

TAHIMIK lang ang aming naging byahe. Hindi na nagtangka si Thea na magsalita. Nararamdaman niya siguro na wala ako sa mood magsalita ngayon.

Di nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Ibinigay ko na lamang sa gwardiya ang susi para siya ang mag-park ng kotse ko sa garahe. Pagkapasok pa lang namin sa pinto ng bahay ko ay napatuon na lang ako sa pader gamit ang braso ko.

"Oh my gosh! I forgot you were shot!" tila nagpa-panic na si Thea.

Masakit 'yong tama ng bala. Hindi gaanong malalim pero masakit pa rin kapag ginagalaw ko.

Nakita kong lumapit si Thea sa mga katulong.

"Asikasuhin niyo ang boss niyo. Kukuha lang ako ng first aid kit."

Nakita kong umakyat sa ikalawang palapag si Thea habang tinutulungan naman akong maupo ng mga katulong ko sa sofa sa sala.

Ilang minuto ay bumaba na si Thea. Lumapit siya sa 'kin at naupo sa aking tabi.

"Tanggalin mo shirt mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit na-"

"Shut up, will you? Baka kung ano pa ang mangyari kapag hindi pa natanggal agad ang bala sa may balikat mo."

Bumuntong hininga na lamang ako. Dahan-dahan kong tinanggal ang aking shirt sa tulong ni Thea. Masakit talaga kapag ginagalaw ko.

"Talikod."

Her voice was authoritative kaya naisipan ko na lang sumunod. Baka kung ano pa magawa nito sa 'kin kapag hindi ako sumunod.

Nakita kong naglabas siya ng isang syringe. Naramdaman kong itinurok niya 'yon sa may bahagi kung sa'n ako natamaan ng bala. Ilang segundo'y naramdaman kong namamanhid na ang parte na tinurukan niya. Anesthesia siguro.

Mula sa salamin na nasa aking harapan ay nakikita ko ang mga ginagawa ni Thea. Kumuha siya ng scalpel mula sa first aid kit. Nakita kong sinimulan na niya maghiwa sa parte ng natamaan. Maya-maya ay nakita kong kumuha siya ng forceps. Dahil sa epekto siguro ng anesthesia kaya hindi ko naramdaman ang pagkuha niya sa bala.

Hindi naman naging matagal ang pagtanggal niya sa bala. Mga dalawampung minuto lamang ang nakalipas ay tinatahi na niya ang hiwa sa aking balikat. Matapos linisin ay tumayo na siya.

"'Yan. Wala na."

Humarap naman ako sa kan'ya at saka tinanguan.

"Salamat."

Umiwas siya ng tingin at nakita kong namula siya nang kaunti.

"You're welcome. Pwede ka naman na siguro mag-tshirt 'no?"

Saka ko lang napagtanto na wala nga pala akong suot na pantaas ngayon, kaya siguro siya namula at nahiya. Hindi na lang ako umimik at nagsuot ng shirt.

"Sir Sieg, ipinagluto na po namin kayo ng makakain."

Tumayo na ako at inaya si Thea na pumunta na kami sa kusina. Parehas kaming naupong magkaharap.

Hindi namin kinibo ang pagkain na nasa aming harapan. Pinakikiramdaman namin kung sino ang unang kukuha. The situation was so awkward.

In the end, ako na lang ang umuna. Baka kasi abutin kami ng anong oras kapag naghintayan pa kaming dalawa. Pagkakuha ko ng kanin ay kumuha na rin siya. We ate in silence. Many questions are running through my mind right now.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon