[ C H A P T E R 2 5 ] : Unmasked

134 8 0
                                    

[ C H A P T E R   2 5 ] :
Unmasked

°°°

A/N:

Btw, I'm gonna change the title to Breaking Point because it seems to be a more appropriate title to this story rather than Psychotic Doctor :)

°°°

(Siegfreid's POV)

IT has been days ever since the kidnapping has taken place. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming lead kung saan posibleng dinala sina Thea at Daryll.

"I hope they're fine."

Napatingin naman ako kay Ashley na kasalukuyang nakahiga pa rin sa hospital bed. Nando'n siya no'ng sinusubukan no'ng mga armadong lalaki na buksan ang pinto ng kwarto nila ni Thea. Kaya siguro nakaligtas siya kasi nakapagtago siya sa ilalim ng kama.

Nilapitan ko siya sa kan'yang higaan at hinawakan ang kan'yang ulo. I gently stroked her hair. Napapikit naman siya. Siguro'y nare-relax siya sa aking ginagawa.

"Hahanapin ko sila."

'Yan lamang ang aking sinabi bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya. Nag-iwan ako ng ilang mga gwardiya sa labas ng pintuan ni Ashley para bantayan siya. Di namin alam kung kailan posibleng bumalik ang mga armadong lalaki.

Naglakad na ako patungo sa aking opisina. Balak ko sana puntahan si Analyn sa basement ng ospital na ito para tanungin ng ilang mga tanong. I have a gut feeling that she will be useful in my search.

At malakas din ang pakiramdam ko na may kinalaman siya sa mga katanungan sa aking isipan sapagkat natandaan ko ang binigay sa aking mga report ni Detective Hyacinth Philomela.

-Flashback-

Tahimik lamang akong nagtatrabaho dito sa opisina ng aking kumpanya. Marami pa akong inaasikaso rito. Kailangan ko muna tapusin ang mga ito bago ko balikan ang mga nangyari.

Tahimik lamang akong gumagawa ng cheque para sa isang business partner ng mga Fletcher nang nakarinig ako ng mga katok galing sa aking pinto.

"Come in," sabi ko.

Dahan-dahan namang bumukas 'yong pinto at tinignan ko kung sino ang kumatok.

"Sir, someone is here to speak to you. Pinaghintay ko po sa labas," sabi ng secretary ko.

Bago na itong sekretarya ko. Nilipat ko sa ospital 'yong dati kong sekretarya. Mas mabuti nang doon siya sapagkat siya na ang aking pinagkakatiwalaang magbantay do'n. Simula nang malaman kong kasapi siya ni Maria Eliana, pinagkatiwalaan ko na rin siya.

"Sino 'yon?" tanong ko.

"Si Detective Philomela po."

Tumango naman ako sa kan'ya. "Sige, papasukin mo siya."

Lumabas saglit ang aking sekretarya. Maya-maya ay pumasok siyang muli kasama na si Miss Hyacinth.

"Maaari ka nang lumabas," sabi ko sa aking secretary.

Hinintay muna namin siyang makalabas. Nang makalabas na siya ay naupo na si Miss Hyacinth sa isa sa mga sofa ko sa opisina. Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at naupo rin sa sofa on the opposite side of her.

"What have you found?" tanong ko rito.

Nakita kong kinuha niya ang dala niyang suitcase at binuksan. Mula doon ay naglabas siya ng ilang envelopes at folders.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon