[ C H A P T E R 4 ] : His other side

598 24 9
                                    

[ C H A P T E R   4 ] :
His other side

°°°

Umaga na ngayon at nasa dining room ako kasama ang kapatid ko. Hinihintay kong matapos siya magluto.

Nagprisinta siya magluto kahit sabi kong hayaan na lang niya ang mga katulong ang magluto. Pero dahil matigas ang ulo nitong kapatid ko, hindi siya sumunod kaya hinayaan ko na lang.

Tumayo muna ako at kumuha ng dalawang mug para pagtimplahan ng kape kaming dalawa. Kinuha ko yung kape, gatas, pati asukal at sinimulan nang magtimpla. Pumunta naman ako sa water dispenser at nilagyan ng mainit na tubig ang mga mug.

"Shit!" muntik ko na mabitawan 'yong mug. Nalagyan din kasi ng mainit na tubig yung kamay ko.

"Sieg, is there something bothering you?" tanong ng aking kapatid. Nakita kong nakatingin siya sa 'kin habang nilalapag niya sa mesa ang aming agahan. Scrambled egg na may patatas sa loob ang ulam namin saka hotdog.

Umiling na lang ako sa kan'ya bago ko ilapag sa table ang dalawang mug at haluin ang kape. Parehas na kaming naupo. Nagdasal muna siya bago magsimulang kumain. We ate in silence.

"Something's bothering you, Sieg. Tell me what it is," sabi niya pagkatapos uminom ng kape at tignan ako. Umiling na lang ako ulit.

"Hindi na."

Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha niya pero she didn't bother asking me anymore.

Alam niya kasi baka mas lalo lang ako mainis kapag pinagpatuloy niya magtanong. Binilisan ko na lang ang pagtapos sa kinakain ko at tumayo na para dumiretso sa kwarto ko.

Pagkarating sa kwarto ko, kinuha ko 'yong mga envelope na nakuha ko sa bahay ni Derek at naupo sa kama ko. Ikinalat ko sa aking kama ang mga ito para makita ko ng isang buo lahat ng mga nilalaman nito. Puno ng mga papel at litrato.

Some papers were irrelevant to me and my sister pero hindi ko na rin pinalampas ang tignan ito kasi baka kailangan pala.

Wala akong maintindihan kung ano ang silbe nitong mga papel. It looks like plano lang talaga nila patayin ang mga nandito. May mga nakalagay na kasi na TERMINATED sa iba. Sa iba wala pa. Siguro dahil hindi pa nagagawang patayin. Kung gano'n, may balak pumatay sa amin ng kapatid ko?

"SIEGY!" nagulat ako nang biglang pumasok sa kwarto ko si Paci. Dali-dali kong inayos ang mga nakakalat na papel para hindi niya makita ang mga nilalaman nito.

"What are those?" tanong niya.

"Papers. Papers ng mga pasyente ko," palusot ko.

Kumunot naman ang noo niya at alam kong nagtataka pa rin siya hanggang ngayon pero hindi na lang siya nag-abalang magtanong kasi tumalon na lang siya sa kama ko padapa para makahiga.

Napailing ako. Minsan iniisip ko kung twenty-two years old ba itong kapatid ko. She acts as if she's just a teenager when she's with me. If she's not, you would then see her mature side that you wouldn't even think she's twenty-two.

"Bakit ka pala pumasok sa kwarto ko?" tanong ko.

Tumihaya siya and started making snow angels on my bed. Bed angels ba dapat itawag kasi nasa higaan siya? Napailing ako. What a corny joke.

"Samahan mo ako sa mall, Siegy. Gusto ko makapamili ng mga damit and bagay-bagay," sabi niya at naupo sa harapan ko. Nag-puppy eyes pa siya na akala naman niya ikina-cute niya.

"Stop with the look. Mukha kang aso. Pwede ka naman magtanong sa 'kin nang hindi gumagan'yan," sabi ko.

Nakatanggap naman ako ng masamang tingin at pitik sa noo mula sa kan'ya nang sabihin ko 'yon.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon