[ C H A P T E R 3 ] : Curious

590 25 8
                                    

[ C H A P T E R   3 ] :
Curious

°°°

Ngayon ay papunta ako sa bahay ng niya. Hinding-hindi ko makakalimutan ginawa niya noon.

[Flashback]

"Kawawa ka naman. Walang tutulong sayo. Isa ka kasing bobo at walang ginawa sa buhay kundi maging tanga."

'Yan ang sabi niya bago ako hampasin ng ilang beses gamit ang tubo. Napaubo naman ako ng dugo. Nanghihina na ako.

"Weak. Kaya pala ayaw sayo ng tatay ko. Weak piece of shit."

Sabi niya. Hahampasin na sana niya ako nang mahawakan ko ang tubo at hilahin ito mula sa mga kamay niya, dahilan para sumubsob siya sa sahig.

Now it's my turn to hit him. Paulit-ulit. Sa bawat pagsubok niyang tumayo, hinahataw ko siya. Napapangisi ako sa ginagawa ko nang mapatigil ako.

Shit, ano to? Baka mapatay ko siya.

Para akong mababaliw, hindi ko na alam gagawin ko kaya hinagis ko na lang ang tubo bago umalis sa lugar na yun, iniwang duguan siya sa sahig.

[End of Flashback]

I know I shouldn't have let him live after that night. Matapos ako, kapatid ko naman ang sinubukang puntiryahin. Kaya ngayong nakita ko siyang muli, hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito.

Tumayo ako sa may gilid nang bahay niya at tinignan ang mga CCTV na nakapalibot dito. Anim. Anim na CCTV ang nasa labas.

Naupo muna ako sa damuhan as I hacked into his system para ako ang may kontrol ng CCTVs niya. Matapos gawin 'yon ay sinarado ko ang laptop at nilagay sa bag.

Binuksan ko ang gate niya at pumasok. Nang makarating sa pintuan, I picked the lock. Tss. Ang bulok naman ng security ng bahay na ito.

Pagkapasok, may dalawang malalaking gwardiya ang sumalubong sakin.

"Sino ka?"

Napangisi ako. Di ako nagsalita. Mabilis ang aking naging galaw kaya nakarating ako agad sa likod nilang dalawa.

Sinaksak ko parehas sa leeg at iniwan silang nakahandusay sa sahig. Mamamatay rin sila mamaya-maya. Maliban sa mauubusan sila ng dugo, may kasamang lason ang panaksak ko.

My moves were precise and skilled. Sa bawat makakasalubong kong gwardiya ay napapatumba ko sila.

Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa kwarto kung saan nandoon siya. Dahan-dahan ko binuksan ang pinto at nakita siyang natutulog nang nakaupo sa kanyang upuan.

"Ang tagal naman ng kape ko," sabi niya bago magmulat.

Pagkamulat niya at pagkakita sakin, nanlaki agad ang mga mata niya at namutla.

"S-Siegfreid!" napatayo siya at pumunta sa likod ng kanyang upuan.

Napangisi naman ako sa inakto niya.

"Kamusta ka na, Derek? Masaya bang patayin yung tatlong teenager?" tanong ko habang humahakbang palapit.

Humalakhak siya para itago ang kaba niya ngunit rinig pa rin sa boses niya na takot siya.

"Never been better. I see you've recovered simula nung makatakas ka. Wag mo palakihin ulo mo. Hinayaan kita makatakas noon. Ngayon hindi na kita patatakasin pa," sabi niya bago naglabas ng isang kutsilyo at itutok sa akin.

Agad ko namang iniwasan yun at gamit ang dalawa kong kutsilyo ay hiniwaan siya sa mukha, kaunting distansya na lang mula sa mata.

Napaatras siya.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon