[ C H A P T E R 6 ] : Nervous

401 23 5
                                    

[ C H A P T E R   6 ] :
Nervous

°°°

(Siegfreid's POV)

Nauna na akong matapos kumain kay Paci kaya umakyat na lang ako agad sa kwarto ko. Alam kong magtataka 'yon kasi dali-dali akong umakyat pero hindi ko na lang pinansin.

Pagkapasok sa kwarto, agad kong kinuha ulit ang mga envelope na naglalaman ng mga litrato. Kailangan ko malaman ang mga ibig sabihin nito as soon as possible.

Isa-isa kong tinignan ang mga envelope at napahilamos nang wala pa rin akong maisip kung anong meron dito. Ihahagis ko na dapat ang isa nang mapansin kong may nalaglag na mas maliit na envelope mula dito. Kulay puti at hindi pa nabubuksan.

Kinuha ko naman agad 'yon at binuksan. Nang ilabas ko ang mga laman nito, nagtaka ako kung para saan ang mga 'to. Isang susi at isang papel na nakatupi. Binuklat ko ang papel at binasa.

'-.-- --- ..- .-. / .... --- ..- ... . .-.-.- / .-. --- --- -- / .---- ...-- .-.-.- / .-.. --- -.-. -.- . .-. / ..--- ----- .-.-.-'

Tangina naman oh. Pa-sosyal. May code pang nalalaman.

Napailing na lang ako bago tumayo at kuhanin ang cellphone ko. Pagkakuha sa phone ko, naupo akong muli sa aking kama. Binuksan ko ito at pumunta sa google. Naghanap na lang ako ng Morse Code Decoder kasi paniguradong Morse Code naman ito. Tinatamad ako mag-decode ngayon kasi anong oras na rin.

Tinipa ko ang mga tuldok, hyphen, at slash sa decoder. Nang matapos ay pina-decode ko na.

YOUR HOUSE. ROOM 13. LOCKER 20.

Pwedeng-pwede naman 'yan na lang ang ilagay nila sa papel. Nagpapasosyal pa. Napabuntong hininga ako. Kailangan kong bumalik sa bahay ni Derek.

NAKATAYO ako ngayon sa labas ng bahay niya. Gano'n pa rin siya nang iwan ko pero kailangan ko pa rin mag-ingat kasi baka pumunta na dito ang boss niya. Tinakpan ko ng tela ang aking mukha para walang makakilala sa 'kin kung sakali mang may makakita. Mukha akong magnanakaw ngayon pero gwapo pa rin ako.

Nang makapasok ako sa bahay, gano'n pa rin ang itsura. Nandito pa rin ang mga patay na katawan ng mga gwardiya ni Derek. Nangangamoy na ang iba. Mabuti na lamang at hindi ko gaanong naaamoy kasi may nakatakip na tela sa ilong ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa office ni Derek, nagbabakasakaling may mapa doon ng bahay niya. Malaki rin kasi ang bahay niya pero mas malaki pa rin ang bahay ko.

Nang makapunta ako do'n, hindi nga ako nagkamali. May nakita akong nakapaskil na mapa sa likod ng pinto nito. Kinuha ko 'yon at sinimulang hanapin ang Room 13.

Nang tignan ko ang mapa, nakita kong nasa ikatlong palapag ng bahay niya ang sinasabing room 13.

Nang makaakyat ako, pumunta ako sa dulong kwarto na nasa hallway. Nang tignan ko, tama ako. Panglabing-tatlo ang kwarto na ito. Sinubukan ko buksan at nakita kong di naman ito naka-lock. Nang makapasok ako, isinarado ko nang dahan-dahan ang pinto at hinanap ang locker 20.

Nang makita ito, pinuntahan ko agad. Kinuha ko ang susing nakuha ko mula sa envelope at ipinasok ito sa lock. Bumukas naman 'yong lock. Kinuha ko ang kung anumang nasa loob nito.

Isang maliit na locked chest.

Nang subukan kong buksan ito, naka-lock pala. My brows creased. Why are there so many damn locks?

Iniisip ko kung paano ito buksan nang makarinig ako ng bukas ng pinto sa baba.

"Tarantado! Nasaan ka, Derek?!" narinig kong may sumigaw mula sa baba. Tumingin ako sa paligid at nakita kong walang bintana sa kwartong ito kaya wala akong magagawa, kailangan yata lumabas ako.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon