[ C H A P T E R 1 9 ] : Awkward

220 16 8
                                    

[ C H A P T E R   1 9 ] :
Awkward

°°°

(Siegfreid's POV)

NANDITO ako ngayon sa kwarto ng aking kapatid. Matapos mahimatay si Thea kanina ay agad ko siyang inuwi sa bahay ko. Sa kwarto muna ni Pac ko siya dinala. Nakahiga siya ngayon sa kama at mahimbing na natutulog. Hindi pa siya gumigising mula kanina.

I tried checking her up a while ago. Nakita kong parang unti-unting nagkakaroon ng itim sa kan'yang kamay. Parang may kung anong itim na likido ang dumadaloy sa kan'yang mga ugat. Nagpatawag ako agad ng mga nurse upang dalhan ako ng gamot.

Habang tinitignan ko siya, kinuhanan ko siya ng dugo. Nang i-check ko ito'y nalaman kong lason ito na kapag naiturok sa 'yo ay unti-unti itong kakalat sa iyong katawan na kapag hindi napigilan ay maaaring ma-paralyze ang utak which can lead to death.

Kaya kahit tatlong oras na ang nakalipas ay hindi pa rin nagigising si Thea. Sa tatlong oras na 'yon, gumawa ako ng isang parang antidote para mapigilan ang pagkalat ng lason at mawala ang mga kemikal na ito sa kan'yang dugo. Madali naman gawan ng antidote kasi simple lang ang components ng lason.

Pagkatapos ko haluin ang iba't ibang gamot ay kinuha ko ang isang syringe. Nilagyan ko ito ng gamot sa loob. Pagkatapos ay lumapit ako kay Thea. Ngayon nakikita kong halos buong braso na niya ay umiitim. Mabuti at mabagal ang pagkalat ng lason na 'to.

Naupo ako sa kan'yang tabi. Kinuha ko na ang kan'yang kamay tapos itinusok ang needle ng syringe sa kan'yang ugat. I pressed the syringe para maipasok ko sa ugat 'yong gamot. The liquid inside this syringe was violet. Nakita kong mabilis ang naging pagkalat nito sa kamay ni Thea. Hinabol nito ang itim na likidong kumakalat sa kan'yang braso.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakita kong unti-unti nang nagfe-fade 'yong kulay no'ng violet na likidong itinurok ko kay Thea. Kumuha ako muli ng blood sample ni Thea at in-examine. Tinignan ko kung may lason pa. Mabuti naman at no'ng pag tingin ko'y wala na. Nakahinga na ako ng maluwag. Now all I have to do is wait for her to wake up.

Five minutes later, she woke up already.

"W-What happened?" Ramdam ko ang panghihina niya sa pagsasalita. Epekto siguro ng lason sa kan'yang katawan.

"May lason sa katawan mo kanina. Alam mo ba paano ka nalagyan nito?" pagtanong ko.

Napaisip naman siya sandali bago niya hawakan ang kan'yang tenga.

"I was shot earlier. I'm not sure if it was a bullet pero sa tingin ko isa itong maliit na needle. Dumaplis lang kasi siya sa dulo ng tenga ko. Baka do'n nanggaling."

Tumango naman ako. Nakita kong dahan-dahan siyang tumayo.

"Hey, don't stand-"

Napatakbo ako agad sa gilid niya at sinalo siya sa kan'yang bewang. Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to. Napailing na lamang ako bago ko siya buhatin at ilagay pabalik sa kama.

"'Wag ka muna tatayo. Mahina pa ang katawan mo dahil sa lason. Mabuti at naagapan ko kaagad ang pagkalat nito."

Tumango na lang siya at nahiga muna ulit. Nakita kong pumikit siya. Binantayan ko muna siya hanggang narinig ko ang mahihinang paghilik niya. Now she was sleeping peacefully again. She needs to regain her strength.

Nang masigurado kong natutulog na nga siya, I quietly went out of her room. Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Pumunta ako sa ref at tinignan kung ano ang laman nito. Crab sticks lang ang nakita ko. The rest were vegetables. Si Pac ang bumili no'n. Kinuha ko na lang 'yong crab sticks at niluto. Nagsaing na rin ako ng kaunting kanin. Ipagluluto ko na muna si Thea. Sigurado akong magugutom 'yon paggising niya.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon