[ C H A P T E R 2 ] : Ambiguous

654 31 5
                                    

[ C H A P T E R 2 ] :
Ambiguous

°°°

Nasa bahay na kami ngayon ng kapatid ko. Matapos niya tumahan ay tinapos na namin ang pagkain namin at umalis. Tahimik lang kami sa byahe. Siguro ay dahil katatapos lang niya sabihin sa 'kin ang balitang... patay na si tito.

Ngayon, tulog na si Paci sa kwarto niya. Napagod siguro dahil sa byahe saka na rin siguro sa pag-iyak.

I sighed. Whoever killed our uncle will fucking pay for what he'd done.

Maya-maya ay narinig kong nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Oh?"

"Doc, kailangan po kayo sa emergency room. May pasyente po tayo na naaksidente dahil sa pagkakabangga ng truck at kotse. May severe damage po siya sa brain."

Binaba ko na ang phone ko at nagmadali papunta sa sasakyan ko.

"Ingatan niyo kapatid ko," sabi ko sa mga kasambahay at bantay bago umalis.

Malapit lang naman ang ospital na pagmamay-ari ko sa bahay namin kaya sandali lang ay narating ko na agad ito. Palagi akong may extra na white gown dito sa kotse kaya sinuot ko agad yun at dali-daling nagpunta sa emergency room. Nagsuot na ako ng mask at gloves.

---

Like the usual, I managed to save the patient. Wala nang bago doon. Pagkalabas na pagkalabas ko sa emergency room ay may babaeng umiiyak ang sumalubong sa akin.

"Doc, is my brother okay?" she asked.

I concluded that she was the sister. Although she oddly looks familiar.

"Yes. He's stable now. Mamaya-maya ay baka magising na siya."

I heard her sigh deeply as a smile slowly appeared on her face.

"Thank you."

Tinanguan ko lang siya bago ako dumiretso sa office ko. Pagkapasok sa office ay nagpalit na ako agad ng damit. Pawisan na kasi ako.

I sat back on my chair, relaxing.

Makakatulog na dapat ako nang marinig ko mag-ring ang phone ko.

Talk about timing.

Kinuha ko yung phone at nakitang si Paci lang pala ang tumatawag kaya sinagot ko ito.

"Oh?"

"Pwede ka na ba umuwi?"

Her voice was soft and gentle. Nakakapagtaka kasi madalas ay hindi mahinhin itong kapatid ko.

"Bakit?"

"Don't ask. Just...just come home. Please."

Sinubukan niya magsalita ng normal pero ramdam ko sa boses niya na may problema. Kaya hindi ako nagdalawang isip na umuwi.

Pagkarating sa bahay, sinalubong ako ng isang kasambahay.

"Si Pac?" tanong ko.

"Nasa kwarto po niya. Hindi pa lumalabas, sir."

Tumango ako bago umakyat papunta sa kwarto niya at kumatok.

"Can I come in?" tanong ko.

"Mmm," sabi niya bilang pagbibigay hintulot sa akin na pumasok.

Binuksan ko yung pinto at sinarado pagkapasok ko. Nakita ko siya nakaupo sa kama niya. Nakasandal siya sa headboard habang nakabalot sa kanyang katawan ang kumot.

"Anong problema?" tanong ko habang umupo ako sa tabi niya.

Matagal siya bago nagsalita.

"Wala lang. I just need someone with me now whom I trust."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Katahimikan muli ang bumalot sa amin.

"May McDo fries ako sa bag. Kunin mo. May dala rin akong ice cream," utos niya sakin.

Tumango naman ako at kinuha ito sa bag niya bago bumalik sa tabi niya. May nahanap akong mga plastic na kutsara na kasama sa bag. Nagsimula na kaming kumain ng fries at ice cream.

"Teka, saan ka nakapagpabili nito?" tanong ko.

Napansin kong natigilan siya.

"Pasalubong."

"Galing canada? Di mo naman pinabili ito panigurado kasi di ka raw lumalabas ng kwarto."

Natahimik siya. Bago tumawa at nagsimulang kumain ulit.

"Kumain ka na lang. Kuha mo pa ako ng food. Gutom pa ako," sabi niya habang tinulak ako.

Wala na akong nagawa. "Anong pagkain?"

"Chicken lollipop. Miss ko na luto mo."

Bumuntong hininga ako bago ako lumabas ng kwarto niya.

Something was definitely wrong. Hindi ko lang masabi kung ano.

Nakarating na ako sa kusina at nagsimulang magluto pero yun pa rin naiisip ko.

What was bothering her?

Kilala ko siya mula nang maisilang siya kaya hindi niya maitatago sakin na may mali. May tinatago siya sakin pero ayaw lang niya sabihin kung ano.

Ang hirap niya basahin. Katulad ko lang siya. Kahit kapatid ko siya at alam kong may mali, hindi ko pa rin mabasa kung ano yun.

Naramdaman ko na lang na tinalsikan na pala ako ng mantika. Hindi ko napansin, siguro dahil ang lalim ng iniisip ko.

I decided to let my mind rest for awhile. Sa susunod ko na lang siya tatanungin.

Nilagay ko sa isang plato ang mga chicken lollipop. Paakyat na ako nang may nakita ang kasambahay pababa.

"Ano yan?" tanong ko.

"Maruruming damit ho ni ma'am Pacifica, sir."

My brows creased bago tumango at umakyat ulit.

Maruruming damit?

Nakarating na ako sa kwarto niya. Pagkapasok at pagkaabot ko sa kanya ng plato ay sinimulan na niyang kainin ang niluto kong chicken lollipop.

Binuksan ko naman ang tv sa kwarto niya at naupo muli sa tabi niya.

"Tatlong teenagers sa *** city, patay matapos---"

Maya-maya ay pinakita sa tv ang itsura ng suspek na pumatay sa tatlong teenager.

Patay

Pagkaisip ko sa salitang patay, napangisi ako bago tumayo.

Nakita ko naman ang nagtatakang mukha ni Pac.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

Lumapit ako sa tabi niya before kissing the top of her head.

"Business. Baka late ako makauwi," yan lang ang sinabi ko bago ako nagsimula maglakad papunta sa basement ng bahay ko.

Binuksan ko ang lock nito at pumasok. Nilock ko ito mula sa loob para masigurong walang ibang makakapasok.

Ang basement na ito ang aking laboratoryo kung saan iniipon ko ang lahat ng mga laman loob ng napapatay ko.

Para saan?

Para madaling makahanap ng donor ang mga nangangailangan.

I chuckled at my thought. Nagpalit na lang ako ng fit na damit sakin at nagdala ng aking mahal na scalpel, barbed wire, alcohol, kutsilyo, karayom, at sinulid.

Pagkatapos ay nilagay ko ito sa isang bag bago ako tuluyang lumabas at dumiretso sa kotse.

Pinaandar ko na ito at umalis.

Let's have fun tonight, shall we?

#####

A/N:

This chapter is dedicated to @Ohaiyoo. Salamat kasi isa ka sa mga nakaka-motivate kong readers.

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon