[ C H A P T E R 2 1 ] :
Ex°°°
(Siegfreid's POV)
IHINATID ko na muna si Ashley sa bahay nila. Sinabi niya sa'kin na 'wag ko na lang daw banggitin sa kuya niya o kahit kanina ang nangyari kasi raw baka hindi na siya payagan lumabas ng bahay kapag may nakaalam.
Pumayag na lamang ako. Sinabi ko na lang sa kan'ya na mag-iingat siya palagi. Mahirap na at baka kapag nasa labas siya ay bigla siyang makasalubong ng isang miyembro ng Hourglass.
Habang nagmamaneho pabalik sa bahay ko ay di pa rin mawala sa aking isipan ang babae kanina. Edi hindi siya kalaban? Tanda ko talaga siya. Siya 'yong babaeng nakasaksak sa 'kin sa hita. Siya rin ang kumuha ng metal na rose mula sa 'kin.
Hindi ko man lang siya naabutan. Gusto ko siya makilala. Kailangan ko siya makilala. Marami akong itatanong pa sa kan'ya.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa aking bahay. Matapos ko iparada sa garahe ang aking sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng aking bahay.
Ngunit pagkapasok ko sa may sala ay nagulat ako sa aking nakita.
"Oh, back so early, Sieg?" tanong sa'kin ni Thea.
Hindi ko siya pinansin sapagkat ang aking atensyon ay natuon sa babaeng kausap niya kanina pagkapasok ko ng bahay.
"Bakit umuwi ka agad. Hmm?" patuloy na pag-usisa sa'kin ni Thea.
Pero di ko pa rin siya sinasagot. Masyado akong nagulat at nandito siya ngayon. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Napatayo naman siya habang si Thea ay tinitignan lamang kami.
"What are you doing here, Eunice?"
°°°
(Thea's POV)
BAGO umalis kanina si Sieg para puntahan si Ashley ay nahiga na lamang ako sa kama dito sa kwarto ng kapatid ni Sieg. May gusto kaya si Sieg kay Ashley?
Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama at inisip kung anong gagawin ko.
Di nagtagal ay napagdesisyunan kong pumunta na lang sa kung saan. Naligo na ako at nagsuot ng puting blouse at pink na pants. Nag-sneakers na lang ako.
Dinala ko rito sa bahay ni Siegfreid ang aking motor para may magamit ako kung sakaling kailanganin ko pumunta kung saan.
---
Pawisan na ako. Nakakapagod din 'yon ah. Dahil sa pagod ko ay naisipan ko muna tumambay sa isang malapit na coffee shop. Ipinarada ko sa gilid ang aking motor at pumasok sa coffee shop.
"Cappuccino. Isa ring blueberry cheesecake," sabi ko sa cashier.
"Sige po, ma'am. Serve na lang po namin."
Tumango naman ako at nagbayad na. Pagkatapos ay naghanap ako ng pwede maupuan. Do'n ako sa malapit sa balcony ng coffee shop naupo. Pangdalawahan lamang ito.
Habang naghihintay ay nagkalikot muna ako sa aking cellphone. Naglaro na lang muna ako ng mobile legends. Habang naglalaro ako ay may nakita akong nakatayo sa may gilid ko kaya tumingala ako.
"Thea, right? May I sit with you?"
I squinted at inaalala kung saan ko siya nakita.
"I'm Ashwin Montecillo. I think we met at your engagement party?"
Napatango naman ako. Naaalala ko na siya. "Sige. You can sit with me."
"Thanks" sabi niya bago ako bigyan ng isang matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
Breaking Point
ActionAmong the guns, they are the roses, disguised as the weak. But little do some people know that they're also deadly because of their thorns. ××× Language: Filipino Status: COMPLETED //revising//