[ C H A P T E R 5 ] : Hourglass

448 20 0
                                    

[ C H A P T E R   5 ] :
Hourglass

°°°

Nagulat ako nang pitikin ni Paci ang ilong ko.

"Hey, bakit mo ako pinitik?" tanong ko.

Nakita ko naman umirap lang siya sa 'kin. "Paano ba naman kasi, kanina pa ako kwento nang kwento dito tapos mapapansin ko lang na hindi ka pala nakikinig sa 'kin? Gosh, Siegy. Lumilipad na naman ang utak mo."

"Sorry," sabi ko. "Lately, napapagod lang ako siguro sa trabaho ko."

"Then why don't you take a break? Tara, gala tayo?" tanong niya.

Napaisip naman ako. Paano kapag kailanganin ako sa ospital? May iba namang magagaling na doctor do'n. Pero ako pa rin ang pinakamagaling.

"Come on, Sieg! Let's make gala. Kahit one week lang."

In the end, wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa suggestion ng kapatid ko. One week of vacation wouldn't hurt.

"Sige."

Nakita ko naman ang tuwa sa mukha ng kapatid ko nang pumayag ako. Pagkatapos naming kumain ay binayaran ko na ito. Lumabas na kami ng mall at sumakay ng kotse ko, pauwi na sa bahay.

Pagkarating naman sa bahay, dali-daling kinuha ni Paci ang laptop niya at hinila ako paupo sa sofa ng living room. Ipinatong niya ang laptop niya sa lap niya at binuksan. Nakita kong ang wallpaper pa rin niya sa laptop niya ay siya at ang ex-boyfriend niya. Kinuha ko saglit ang laptop at pumunta sa images. Pinalitan ko ang wallpaper ng litrato naming dalawa ni Paci. Pagkatapos ay ibinalik ko na ito sa kan'ya.

Ngumiti naman siya sa 'kin bago pumunta sa google upang maghanap ng mga pwedeng mapuntahan.

"Saan mo ba gusto?" tanong ko.

"Maybe somewhere here in the Philippines. Nakakasawa na kasi mag-abroad."

Tumango naman ako. Naghanap kami ng mga magagandang bisitahing lugar sa Pilipinas.

"Laguna? Bicol? Oh, how about Sorsogon? Baka may maka-swimming tayo na mga butanding!" Natutuwa niyang sabi.

"It's not whale shark season. Baka wala kang makitang butanding ngayon do'n kapag pumunta tayo," sabi ko.

Napasimangot naman siya at nagpatuloy na maghanap ng mga lugar na pwede bisitahin.

"How about we check Palawan?" suggest ko. Mukhang nagustuhan naman 'yon ng kapatid ko at dali-daling sinearch ito sa google.

"Bingo! May promo akong nakita. To Palawan. Good for two. One week. Ano, grab na ba natin?"

Tumango naman ako. I smiled as I watched my sister book us a flight to Palawan.

PUMUNTA kami ng kapatid ko sa pinakamalapit na pharmacy sa amin para bumili ng mga tingin naming kakailanganin kapag pupunta kaming Palawan.

"Do'n lang ako sa kabila. Mamili ka na ng mga gagamitin mo," sabi niya bago naglakad papunta sa women's section habang ako naman ay pumunta sa men's section.

Kumukuha ako ng mga shampoo, conditioner, deodorant, toothpaste, at iba pa na maaari kong gamitin at dalhin papuntang Palawan.

Habang namimili, may nakabanggaan akong babae. I didn't bother to look at her once again at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"---Di man lang nag-sorry."

Hindi ko na narinig ang sinabi niya kasi nakalayo na ako.

°°°

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon