Madison P.O.V.
Go Lions! Go lions! Go lions!
Nakakabingi ang hiyawan sa buong stadium. Championship na kasi ngayon ng basketball men division. Ang Brentwood University at ang mahigpit na katunggali nilang Benedict University. Dikit ang score 74-75 pabor sa Brentwood University.
Halos mapatid na ang mga ugat namin sa leeg ng bestfriend kong si Alyana sa kakasigaw ng pangalan ni Blake de Asis, ang simpatikong captain ball and hottest guy sa University. Kahit pawis na pawis sya ay parang ang bango bango pa din nya tignan.
Tulalang nakatitig lang ako sa kanya at nakanganga pa. Hayyy Blake...inlove na ata ako sayo. Secret crush ko si Blake..yup secret talaga as in pinakatago tago. Bawal kasing magkakacrush ang kahit sinong babae sa school namin sa kanya, paano ba naman nuknukan ng sungit, taray at bitchy ang girlfriend nito na si Reese Santillan.
Yes, si Reese Santillan.....Sya lang naman ang most popular at hottest girl sa campus, she came from a very prominent family. Ang family nya ang nagmamay ari ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas.
....and speaking of the she-devil, nahagip sa peripheral vision ko na matalim syang nakatingin sa akin. Napansin nyo siguro ang tulo laway at may makamundong pagnanasa ang pagtitig ko sa boyfriend nya.
Pasimple akong sumulyap sa kanya, she was wearing our school cheer dance unifom. Super ikli na halos hindi pa ata umabot sa kalahati ng hita nya. May hawak syang pompoms at saka nakapamewang na nakatayo, nakaharap sa side namin.
I lowered my gaze, oh well...her legs were impossibly long and flawless that made her looked so hot. Her top hugged her curvy body perfectly...and did i mention that her flat stomach with visible abs was also exposed? Glistening with sweat...so so yummy!
This girl was definitely stunning!
Itinaas ko ang tingin ko sa pretty face nya and I saw her staring at me, smirking....as if she noticed that I just checked her out.
Checked her out??? Me checking her out?
No way!!
Oh my gosh!
... Did I??
__________________________________
BINABASA MO ANG
Kissing Reese Santillan
Teen Fiction"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis. "S-sigurado ka ba dito Aly?" Pina...