Madison P.O.V.
Habang pauwi na kami ay paulit ulitin ko pa din naiisip yung mga nangyari sa amin ni Reese sa loob ng 2 araw sa beach party ni Drew.
Yung kung gaano kami kasaya na magkasama, magkasabay kumain at yung sabay kami matulog. Kasama na din dun yung '1st time' namin na hindi ko pinagsisisihan.
I am so inlove with this beautiful girl beside me, at alam ko kahit kailan ay hinding hindi na siya mawawala sa puso at pagkatao ko.
I gently squeezed her hand na hawak ko kanina pa, saglit syang napalingon sa akin at mabilis na sumungaw ang napakasexyng ngiti sa mga labi nya.
Napabuntong hininga ako habang nakatitig lang sa kanya, hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anong mabuting nagawa ko before for me to deserve someone like her. She's so wonderful and perfect, hindi lang physically but her whole being.
Dahil sa malalim na pagiisip ko ay hindi ko na namalayan na huminto na pala kami sa tapat ng bahay nina Aly. Lumingon ako para gisingin ang tulog na tulog pa din na bestfriend ko.
"Alyana nandito na tayo sa inyo." tawag ko sa kanya habang inaalog ang balikat nya.
Tamad na iminulat nya ang mga mata nya at saka luminga linga sa paligid. Humikab muna bago sinukbit ang backpack sa balikat nya.
"Sige friend see you tomorrow." kumaway sya sa akin tapos tumingin kay Reese "Bye Reese, salamat ulit." tumango lang ito bago na sya tuluyang bumaba.
Nang papaandarin na ulit ni Reese ang sasakyan ay akma ko ng aalisin ang kamay ko na nakahawak pa din sa kanya pero maagap nya itong pinigilan. Kaya ayun magkaholding hands pa din kami hanggang sa makarating kami ng bahay.
Huminto na yung sasakyan ay nakatingin lang ako sa kanya dahil nagdadalawang isip ako kung yayayain ko ba sya munang pumasok sa loob. I'm sure pagod at uhaw na sya sa haba ng byahe namin.
Kaya I decided to invite her and beside parang ayoko pa din na maghiwalay kami "Ahhh gusto mong pumasok muna sa loob?" i asked.
She softly smiled "Sure..." masayang sagot nya, hindi mo nga iisipin na napagod sya sa pagdrive sa layo ng byahe.
Sabay na kaming bumaba dala ang bag ko. Pagpasok sa loob ay naabutan namin sina Inay, Itay at Dakota na nanonood ng TV sa may sala. Lumapit ako kina itay para magmano.
"Ate nakabalik na pala kayo, asan na yung pasalubong namin?" Salubong sa akin ni Dakota habang tinitignan kung may dala ba ako bukod sa bag ko.
Gusto kong mapatapik sa noo ko, sa totoo ay nakalimutan kong mag uwi ng kahit ano. Nakatulog kasi ako halos sa buong byahe namin.
"Naku pasensya na, nakalimutan ko. Nakatulog kasi ako sa byahe. Sa susunod na lang." hingi ko ng pasensya, sa dami ng makakalimutan yung pasalubong pa talaga. Napaka thoughtful ko talagang kapatid.
Nalungkot sya, halatang dismayado. Pwede na talaga akong bigyan ng best ate award, talaga naman.
"Anak kamusta naman ang lakad mo?" si itay, napansin nya si Reese at ngumiti sya dito.
"Oh kasama mo pala yung kaibigan mo? Dakota bumili ka nga ng softdrink sa tindahan." sabay dukot ng pera sa bulsa nya.
"Ok naman po 'Tay, masaya po. Naku ako na lang po." pigil ko sa kanya, ako na ang dumukot ng 20 pesos sa bulsa ko saka inabot kay Dakota na mabilis naman lumabas para bumili na sa tindahan sa may kanto.
Hinila ko Reese palapit sa akin at saka kami naupo sa katabing sofa.
"Magandang hapon po." magalang na bati nya.
BINABASA MO ANG
Kissing Reese Santillan
Teen Fiction"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis. "S-sigurado ka ba dito Aly?" Pina...