Chapter 13 - Mystified

94.4K 2.2K 1K
                                    

Reese P.O.V.

Nang makabawi ako sa matinding shock na naramdaman ko ay nagmadali at walang lingon lingon akong lumabas ng cafeteria.

Narinig kong tinawag ako ni Cher pero hindi ko pinansin, mas importante sa akin ang makalabas ng lugar na ito.

Paano ba naman napakabilis ng tibok ng puso ko na parang anytime ay malalaglag na ito palabas ng dibdib ko.

"Reese!" narinig ko na tinawag ulit ako ni Cher pero patuloy pa din ako sa paglalakad ko papunta ng kabilang building.

Did she really just kiss me inside the cafeteria? In front of my boyfriend? In front of everybody?

Sa totoo hindi ko na napansin pa ang naging reaksyon ng mga taong nandoon. Masyado kasing mabilis ang pangyayari....

I was walking inside the cafeteria and next thing I knew her lips were touching mine....her soft and warm lips.

Napatigil ako sa paglalakad.

Shit shit. I just didn't think her lips were soft and warm.

Actually they were kinda rough and so disgusting! Kailangan ko ata mag gargle ng isang boteng astring osol baka kung anong bacteria pa ang pinasa nya sa akin!

Yeah that's right!

"Girl wait!" Naabutanan ako ni Cher at saka ako hinila paupo sa bench na malapit sa amin.

Asar na tinabig ko yun kamay nya na nakahawak sa braso.

"Reese calm down."

Nanlilisik ang matang tumingin ako sa kanya "How can I calm down? Did you see what just happened?? She just kissed me! She kissed me in front of everybody!"

I felt really embarrassed. Imagine, a girl kissed me...and not just any ordinary girl, si dela Rosa pa yun. Ang babaeng kinaiinisan ko...or should I say mas kinaiinisan ko na ngayon.

"Do you think she planned this?? To embarrass me?" nakasimangot na tanong ko, hindi ko alam baka gusto nya lang gumanti sa akin dahil sa mga ginawa ko sa kanya ng mga nakaraang araw.

"I think that kiss was not really intended to you girl." explain pa nito.

"Yun nga eh! She was trying to kiss Blake, what was she thinking? Binalak nyang halikan ang boyfriend ko sa harapan nyo at ng ibang tao!" nagngingitngit na sabi ko.

"Honestly, wala din akong idea bakit nya ginawa yun...but hey just relax girl, hindi ka makakapag isip ng maayos kapag ganyan ka."

Natigilan ako at saka natahimik bigla.

Yeah she's right. I have to calm down para makapag isip ng maayos.

Pinilit ko magrelax at makalma ang nerves ko. I Inhaled and exhaled.

Medyo narerelax na sana ako kaso meron akong biglang narinig na bumalabog sa akin at nakapag painit na naman ng ulo ko.


"I kissed a girl and I liked it

The taste of her cherry chapstick

I kissed a girl just to try it

I hope my boyfriend won't mind it."


Mabilis akong napalingon sa pinanggagalingan ng kanta at nakita ko ang isang grupo ng estudyante na nakaupo sa tapat namin na naguusap usap habang nakikinig sa music angel na nakapatong sa table nila.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon