Chapter 17 - Falling in love

101K 2.5K 1.4K
                                    

Madison P.O.V.

"I won't..."

nakasmile na bulong ko pagkatapos ay tumitig ako sa mga mata nya.

Nakita kong biglang nag soften ang expression ng mukha nya nang marinig yun.

"Good.." todo smile na sya habang nakatingin din sa akin.

Nasa ganung posisyon lang kami........ nakayakap ako sa kanya at sya naman nakatukod yun dalawang kamay nya sa magkabilang side ko at alam ko na mukha kaming timang dahil sa laki ng mga ngiti namin.

Nang biglang tumunog ang bell, hudyat na simula na ang klase.

Kumalas na ako ng yakap sa kanya

"Labas na tayo.." aya ko.

Napansin ko kasi na parang wala pa syang balak na gumalaw man lang.

"Tara na malalate na tayo sa 1st class natin." sabi ko ulit sa kanya.

Doon lang sya napilitan kumilos at saka lumabas na kami ng cubicle.

Paglabas namin ng CR ay magkahiwalay na kaming naglakad, pero bago pa sya makalayo sa akin ay pasimple syang bumulong.

"Magkita tayo sa tapat ng library ng lunchbreak."

Napatingin ako sa kanya para magtanong pero mabilis na syang naglakad at nauna sa akin. Binagalan ko lang ang lakad ko para mas mauna una syang makarating ng classroom.

Ilang sandali pa ay sana tapat na din ko ng room namin.....ang laki ng ngiti ko pagpasok ko sa loob.

At syempre mabilis na hinanap ng mata ko ang nag iisang tao na gustong gusto ko masilayan.

Nakita ko naman sya agad sa usual spot nila kausap nya sina yun dalawang sidekick nya at katabi nya si Blake.

Nakadama agad ako ng selos ng makita ko silang magkatabi.

Tsk. Yung guy na dating pinapangarap ko gabi-gabi....ngayon ay pinagseselosan ko na. Akalain mo yun?

Napansin ko na pasimple syang sumulyap at ngumiti sa akin.

Pakiramdam ko ay tumalon mula sa 10th floor ang puso ko ng makita ko ang simpleng ngiti nya na yun.....ganun kalakas na talaga ang epekto nya sa akin.

Hindi ko tuloy napansin si Aly na kanina pa pala ako tinitignan.

"Ang laki ng ngiti natin friend ah, ano meron?" takang tanong nito.

Umupo ako sa tabi nya saka bumaling sa kanya.

"Wala naman, maganda lang gising ko." sagot ko habang walang puknat ang ngiti ko na tila mapupunit na ang mukha ko sa laki nito.

Pero parang ayaw nya maniwala, naghihinala ang tingin.

"Sus mukhang may nagpapasaya lang sayo ah?" dumukwang pa sya sa upuan nya at saka ako tinitigan pa lalo. Echosera talaga itong bff ko.

Hindi ko na lang sya pinansin, kinuha ko yun book ko sa bag at syempre, palihim na sumulyap sa magandang babae sa may likuran.

Buti na lang at dumating na yun Prof namin at natigil ang pagtatanong nya.

Pakiramdam ko napakabagal ng oras habang nagkaklase kami.

Gusto ko ng hilahin ito para mag 12 na ng tanghali.

Magdadahilan na lang ako kay Aly mamaya para makaeskapo ako agad.

May isang klase pa kami pagkatapos nito, hindi na tuloy ako mapakali sa upuan ko sa sobrang excitement na nararamdaman ko.

Panay ang panakaw na sulyap ko kay Reese at minsan ay nagtatama pa ang tingin namin. Mas tumitindi ang kilig na nararamdaman ko kapag nahuhuli ko sya na nakatingin din sa akin.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon