Chapter 4 - Blake de Asis

87K 1.9K 542
                                    

Reese P.O.V.

After that encounter with dela Rosa girl ay pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.

Mabigat ang paa na nagtungo kami sa DO (Disciplinary Office) at lalo akong napasimangot nang maisip kong makikita ko na naman ang head ng DO na si Sir Mainit...true to his surname, mainit din ang dugo nya sa akin.

Sa loob ng 3 taon mula nang magaral ako sa Brentwood ay hindi ko na maalala kung ilang beses na ako nakatuntong sa opisina nya.

Mula sa loitering, littering, possessing alcohol, deliberately disregarding instructions from a faculty member...you name it, nagawa ko na lahat yun.

At ngayon ay hindi na din bago sa akin - intimidating someone either physically or emotionally.

Arrrgg. Intimidating agad? Wala pa nga akong ginagawa sa dela Rosa na yun ah. Kung tutuusin sobrang mild pa nga lang nun ginawa ko sa kanya tapos DO na agad?

Mapapel kasi yun librarian na yun,I will make sure may araw din sya sa akin.

Kung ikukumpara pa nga dun sa unang mga lumaban sa akin ay napakaswerte pa nya, last year lang ay luhaang napatalsik ang isang estudyante na nagbalak labanan ako.

Iba pa yun nahinto sa pag aaral, naipadala sa probinsya o bigla na lang naglaho God knows kung saan na lupalop napunta. Sa loob ng 3 years na yun I already made my mark here kaya walang sino man ang nangahas pa na kantiin ako...until now.

Hindi ko na naman mapigilan mapasimangot nang maisip ko ang babaeng maliit yun pero ang taas ng apog na sagot sagutin ako. Halatang hindi pa nya alam kung ano ang kaya kong gawin, puwes magpapakilala ako sa kanya.

Tuluyan na nga nasira ang araw ko ng malayo pa lang ay nakita ko na si Mr. Mainit smiling like an idiot, as always. I wanted to erase that smug look on his face, nagtimpi lang ako.

"Ohh nice to see you again here Ms. Santillan." may pagkasarcastic na bati nito.

"Nice to see you too Mr. Mainit." saka ngumiti ako ng fake.

"Oh sit down girls, feel at home." sabi pa nya habang nakangiti pa din ng nakakaloko.

Relax Reese. Mas mamumublema ka lang pag inaway mo pa ang Mainit na yan.

Pagkaupo namin sa harap ng table nya "So girls..what did you do this time?" Magkasalikop ang dalawang kamay nya.

It seems he is just waiting to hear something entertaining at hindi ko naman sya binigo. Sinabi ko ang mga nangyari kanina sa libary but of course i didn't admit na sinadya ko yun. Aksidente lang tumapon ang juice na hawak ko sa folders ni dela Rosa.

At dahil nga sa kilala nya na ako, guess what? Hindi sya naniwala sa lahat ng mga sinabi ko. After 30 minutes ng pagkikipagusap at pagsesermon nya sa amin. 

"Ok girls you can go back to your class." sa wakas ay pinaalis nya na din kami.

Tumayo na kaming tatlo ay may pahabol na salita pa sya "Behave Ms. Santillan, pasalamat ka at hindi ka pa napapatalsik sa Unibersidad na ito because of your father's name."

I rolled my eyes bago humarap sa kanya at ngumiti ng mapakla.

"Thank you Mr. Mainit."

Lumabas na ako ng opisina nya at nakaramdam ng relief, pakiramdam ko kasi ay nasusuffocate ako pag nasa loob ako ng DO.

"Reese I can't believe na napapunta tayo ng DO because of that stupid girl." Nagngingitngit na sabi ni Cher. Kasalukuyan kaming nasa loob ng CR at nagreretouch.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon