Chapter 5 - Unexpected

89.3K 1.8K 318
                                    

Madison P.O.V.

"Oh shit!"

Yun na lang ang nasabi ko pagkatapos ko magdive sa 3 malaking baso ng softdrinks. Ang sakit ng tuhod ko, pakiramdam ko nabugbog sya dahil sa malakas na pagbagsak ko.

Dinig na dinig ko ang malakas na tawanan nina Reese and her friends.

Halos mangiyak ngiyak ako sa halong sakit sa katawan at pagkapahiya. Paano ba naman basang basa ang uniform na suot ko pati ang pants ko basa na din.

Kahit gusto ng bumagsak ng luha ko ay pinilit kong pigilan ito. Tinignan ko ng masama si Reese na tila aliw na aliw sa ginawa nya sa akin, kitang kita ko na inunat nya yung binti nya at pinatid ako.

Napansin kong may lalaking tumayo sa tabi ko at inalalayan akong tumayo. Dahil blurred sa luha ang mata ko ay tumungo lang ako, hindi ko na napansin kung sino ay tumulong sa akin tumayo.

"Miss are you ok?" Tanong nya, puno ng sincerity ang boses.

I just nodded.

Narinig ko ang sunod na sinabi ng guy na tumulong sa akin "That's enough guys!!" halata na ang galit sa boses nya.

Saglit na natahimik ang mga guys at maging yun dalawang kaibigan babae ni Reese.

"What was that for?" Asik nya, pero hindi ko alam kung sinong pinatutungkulan nya.

Narinig ko na lang ang boses ni Reese "What? It was an accident!" mabilis na sagot nito.

Really? It didn't look like an accident to me..

Ang sumunod na sinabi ng guy ay mas kinagulat ko..

"Girls ihatid nyo si Reese, sasamahan ko sya sa clinic. She seems injured." naramdaman ko ang sincerity nya kaya hindi ko na napigilan tignan kung sino ito.

Ang pamilyar na gwapong mukha na yun....

Si Blake! My savior.

Sa pag angat ko ng tingin ko na nakita ko din kung paano manlisik ang mga mata ni Reese habang nakatingin sa aming dalawa ni Blake.

Nakakapaso ang tingin nya.

Inalalayan na ako ni Blake papunta sa manager namin at saglit nya itong kinausap.

Himalang pumayag agad ang masungit na manager namin at hinayaan akong makalabas ng area.

"Tara dadalhin na kita sa clinic." narinig kong sabi ni Blake sa akin habang papunta na kami ng sasakyan nya.

"Hindi mo na kailangan gawin to...o-ok lang naman ako." hindi ko mapigilang makadama ng hiya sa kanya. Lalo na ng makita ko yun magarang sasakyan nya na mukhang mamahalin, nahihiya akong umupo dito dahil tiyak na madudumihan ko lang.

"I insist, and beside it was my girlfriend's fault kaya ka naaksidente." sabi nya habang binubuksan ang pinto ng malaking sasakyan nya.

"Aksidente lang naman yun.." parang hindi ko ata kakayanin sumakay dito na kaming dalawa lang. Nakakahiya na na nakakakaba.

Kahit masakit na ang buong katawan ko ay yun pa talaga ang naiisip ko.

"Come one, para macheck ka na baka may bali ka pa." saka nya na ako inalalayan papasok ng sasakyan.

Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka naglulumpasay na ako sa kilig, biruin mo naman ang ultimate crush ko inaalalayan akong pumasok sa magarang sasakyan nya.

Kaso iba ang situation ngayon eh, ang sakit ng katawan pati na din ang kalooban ko dahil sa nangyari.

Wala na nga akong mafeel kahit konting kilig man lang dahil sa matinding shock na nararamdaman ko.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon