Chapter 34 - Gloomy

68.1K 1.4K 393
                                    

A whopping 8,000 words for this chapter, to all the readers of KRS..thank you.

Sointoyou06

______________________________________________________

Reese P.O.V.

"Ingat sa paguwi, text mo ko ha." bilin sa akin ni Kuting ng papaalis na ako. Nakatungo sya habang nakasilip sa akin sa bintana ng kotse ko.

"Of course, bye... i love you," paalam ko sabay flying kiss. Pinaandar ko na yung sasakyan at nakita ko mula sa salamin na nakatayo pa din sya doon habang nakatanaw sa akin.

Sobra ang galak sa puso ko mga nakaraang araw, mula sa beach party ni Drew hanggang sa kanina nga sa birthday celebration ng father ni Kuting ko.

First time ko lang maka experience ng ganun klaseng handaan, na kahit sabihin natin na magulo ay napakasaya naman. Syempre lalo lang sumaya yun dahil nandun yung taong mahal ko pati na ang mababait na kapamilya nya.

Habang nasa byahe ay naisipan ko na buksan ang radio at napasmile ako nang marinig ang song mula dito...yung kinanta sa akin ni Kuting kanina. Sinabayan ko ito kahit hindi ko kabisado ang lyrics, napapatapik pa ako sa manibela habang pinapakinggan ito at iniisip sya. Yung cute na ngiti nya at yung ningning ng mata nya na hindi ko pagsasawaang pagmasdan kahit kailan.

Hindi ko na tuloy namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin, agad akong pinagbuksan ng gate ng guard namin bago ko pinarada ang kotse ko sa tabi ng Ferrari ni Dad.

Oh, so nandito pala si Dad ngayon? Himala, kapag ganitong araw kasi ay usually late na sya nakakauwi ng bahay. Nadatnan ko si Manang Emma na nagliligpit sa may sala namin. Marami nagkalat na plato at baso sa area na tila may kakatapos lang na kasiyahan.

I approached her "May bisita po si Dad kanina?"

Tumigil sya sa ginagawa nya saka humarap sa akin "Nandito ka na pala Ma'am Reese. Oo bisita ng Daddy mo yung mga business partners nya kanina at kakaalis alis lang nila." sagot nya.

"Nasaan po si Dad ngayon?" tanong ko ulit saka luminga linga sa paligid but he was nowhere in sight.

"Nasa study room sya ngayon." tapos pabulong na nagsalita ulit "May kasama po syang bisita doon.".

Nagulat ako nang marinig ito pero inisip ko na lang na baka may pinaguusapan pa sila ng kung sino man yung bisita nya regarding sa negosyo.

Nagpaalam na ko kay Aling Emma at nagtungo ng study room para makausap si Dad. Gustong gusto ko na kasi ipaaalam sa kanya yung tungkol sa relasyon namin ni Kuting na naudlot noong una dahil kay Drew. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.

Nabungaran ko si Dad na nakaupo sa may desk nya, medyo gulo ang buhok, nakaluwag na ang tie nya at halatang tipsy na. Napatingin sya sa akin at napangiti ng makilala ako. Lumapit ako sa kanya saka humalik sa pisngi nya at agad ko naamoy ang amoy alak na hininga nya.

"My unica iha" nakangiting sabi nya after kong humalik sa kanya. Ngumiti din ako sa kanya at medyo natawa sa itsura nya. Hindi kasi ako sanay na ganito si Dad, lagi kasi syang composed at seryoso. Pero mabilis na nawala ang ngiti ko ng mahagip ng tingin ko ang isang pigura na nakaupo sa couch sa tapat namin.

Isang babae na hindi nalalayo kay Dad ang edad, mahaba ang buhok nya na nakapusod, nakasuot ng gray pencil cut skirt at white na blouse na malalim ang neckline at labas ang cleavage. Mukhang flirty dahil sa ngiti at ayos nito, kagaya ni Dad ay halatang nakainom na din sya.

"Oh by the way iha i want you to meet Jenna, partner ko sa export business natin." pagpapakilala niya dito.

Ngumiti muna ito ng mapang akit kay Dad bago tumingin sa akin "Hi Reese, I've heard so many things about you." saka sya ngumiti ng matamis.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon