Madison P.O.V.
Hindi pa din nawala sa isip ko ang sinabi ni Reese kanina hanggang sa makapasok na ako sa bahay. Ipapaalam nya na daw nya sa Dad nya yung about sa amin..at hindi ko alam kung dapat ba akong matakot dito.
Hindi ko pa namemeet ang dad nya, pero sana hindi naman sya mabagsik at mapagmataas na mayaman na tao—kagaya ng mga napapanood ko sa mga telenobela.
"O anak nandito ka na pala, tara ng kumain." si Itay, hindi ko tuloy sila napansin na kumakain na pala doon dahil sa lalim ng iniisip ko.
Lumapit ako sa kanila ni Inay at nagmano "Sige po, magbibihis muna po ako." saka ako tumalikod at nagpunta ng kwarto, pero hindi nakaligtas sa akin ang tingin ni Dakota na parang may gustong sabihin.
Pagpasok ko ng kwarto ay mabilis kong kinuha yung phone sa bag at saka tinext si Reese.
"Text me kapag nakauwi ka na, i miss you..."
Sent.
Binalik ko uli ito sa bag at saka ako nagbihis ng pambahay, pagkatapos ay bumalik na ako ng kusina. Umusod si Itay para may maupuan ako, ginisang repolyo at Galunggong ang ulam namin..sarap favorite ko.
May nakapatong na plato sa harap ko, naglagay na ako ng kanin at ulam at nagsimula na ding kumain.
"O Anak kamusta ka na pala sa bagong trabaho mo?" tanong ni itay, nabalita ko na kasi sa kanila na hindi na ako sa Mcdo nagwowork ngayon. Hindi ko lang binanggit na sina Reese ang may ari ng Resto, pero sinabi ko na sya ang nagpasok sa akin dito.
Saglit akong tumigil sa pagkain at saka tumingin sa kanya "Ok naman po itay, magaan lang po ang ginagawa ko doon."
"Mabuti at naipasok ka dun ng kaibigan mo, bakit hindi mo ulit imbitahan dito minsan ng makapagpasalamat." si Inay naman.
"Sige po papupuntahin ko dito minsan." napangiti ako, gusto ko kasi yung ganito na mapapalapit si Reese sa pamilya ko.
Ilang sandali pa ay natapos na din kaming kumain, nanonod ng TV sina itay at inay. Samantalang lumabas na naman si Vermont at si Maryland naman ay nagpunta ng kwarto ay may gagawin daw na assignment. Naiwan kami ni Dakota para magligpit ng mga pinagkainan.
Ako ang nagsasabon ng plato habang sya naman ang nagbabanlaw at naglalagay sa tauban.
"Hmmm ate..." pukaw ni Dakota, alam ko na may kanina pa sya gustong sabihin.
"Yes sis?" sumulyap ako sa kanya. Saglit syang tumigil sa ginagawa nya at sinilip ang mga magulang namin sa may sala.
Maliit lang ang bahay at magkadugtong ang kusina at sala kaya madali lang ito makita kapag dumukwang ka.
"Ate may narinig ako kanina sa school, yung ginawa nyo ni Reese...totoo ba yun?"
Tinigil ko muna din ang ginagawa ko saka naghugas ng kamay saka humarap sa kanya.
"Anong ginawa?" maang maangan ko na sagot, although alam ko naman ano ang tinutukoy nya—ang panghahalik ni Reese sa akin kanina sa may hallway.
"Totoo ba na nakita daw kayo nagkiss sa may hallway?" pabulong na tanong nya na baka may ibang makakarinig.
Sumandal ako sa may lababo at saka nag isip. Tinignan ko si Dakota, sasabihin ko na ba sa kanya yung totoo or itatanggi ko lang?
What now Madison?
"Well ate?" tanong nya ulit pero hindi pa din ako sumagot.
Saglit na katahimikan ulit ang namayani sa amin.
BINABASA MO ANG
Kissing Reese Santillan
Tienerfictie"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis. "S-sigurado ka ba dito Aly?" Pina...