Madison P.O.V.
"Oist friend ano na nangyari sayo? Para kang natuklaw ng ahas dyan."
Napatingin ako sa pinanggaling ng tinig, nasa tabi ko na pala si Aly na parang kanina pa ata ako kinakalabit.
Sumulyap uli ako sa main entrance door kung saan pumasok si Reese bago sumagot sa kanya.
"Kanina ka pa dyan? Sorry may iniisip ko lang yun bidding mamaya, kinakabahan na kasi ako." pagdadahilan ko na lang.
"Tama na yan, tara pasok na tayo magsisimula na yun party." hinawakan nya ako sa braso saka hinila papasok sa loob ng function hall.
Mabilis hinanap ng mata ko si Reese pagdating namin doon, nakita ko agad sya kasama ng friends at ng boyfriend na si Blake.
Napakagwapo nito sa sa suot na tuxedo at halos makalaglag panga ang kakisigan nito. Maganda kasi syang magdala ng damit.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, kung dati siguro at nakita ko si Blake ng ganito kagwapo ay baka halos maglumpasay na ako sa kilig.
Pero nakakapagtaka ngayon na kahit katiting na kilig ay wala na akong maramdaman.
"Ang gwapo ni Blake ano." bulong sa akin ni Aly, napansin nya siguro na nakatingin ako dito.
Gwapo na kung gwapo. Pero bakit ganito...wala ng epekto ang charm nya sa akin?
Mas gumagala pa nga ang tingin ko dun sa magandang babae na katabi nya.
Ang gorgeous na si Reese.
Hayyy. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin.
Naguguluhan na talaga ako.
Si Reese ang may kasalanan nito. Ginugulo nya ang isip at puso ko.
What? Dati isip lang tapos ngayon.......pati puso kasama na??
"Friend siguradong ayos ka lang ba? Parang wala ka kasi sa sarili mo eh." bulong ulit ni Aly na ngayon ay nakatitig na sa akin at parang nagtataka na sa ikinikilos ko.
"Oo ayos lang ako." umiwas ako ng tingin.
Niyaya ko na lang sya maupo na dahil nagsisimula na yun program nila. May emcee na nagsasalita sa stage.
Nagkaroon lang ng speech galing kay Dean Legaspi, pagkatapos ay kasunod ang opening number.
Pagkatapos ay may lumapit na mga waiters may dalang tray ng pagkain.
Nakakatulo laway sa sarap ang itsura ng mga pagkain na nilapag nila sa mesa namin.
"Wow ang sasarap pala ng pagkain dito." hindi na napigilang sabihin ni Aly habang takam na takam na nakatingin sa pagkain.
Nang mailapag na ng waiter ang lahat ng laman ng tray ay umalis na ito. Mabilis na naming sinimulan ni Aly ang pagtikim sa pagkain.
Sa totoo ay hindi ko alam ang tawag sa mga luto na yun, para kasing pang sosyal lang eh. Bago sa panglasa ko, palibahasa sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatikim ng ganito.
Pagkatapos namin kumain ay nagkaroon ulit ng intermission number mula sa mga estudyante.
Masaya lang kami nanonood ni Aly.
Saglit ko tuloy nakalimutan yung taong nagpapagulo sa akin.
"Friend tignan mo yun P4 nandito na pala sila, grabe ang gaganda nilang lahat....para silang mga artista." sabi ni Aly habang pasimpleng nakaturo sa kabilang table.
Parang gusto ko na naman manliit ng makita ko kung gaano kagaganda at kasesexy ng P4. Naisip ko kasi yun nalalapit na bidding....parang sobrang nakakahiya talaga na ihalera ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Kissing Reese Santillan
Teen Fiction"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis. "S-sigurado ka ba dito Aly?" Pina...