Chapter 6 - The plan

84.2K 2K 691
                                    

Reese P.O.V.

Nakasimangot na ako paglabas namin ng Mcdo, dapat ay pupunta pa kami ng mall nina Katrina para bumili ng isusuot sa party sana ni Blake sa sabado.

Pero dahil sa sobrang badtrip ko ay nagpahatid na lang ako sa kanila pauwi ng bahay namin. Nagaalalang nakatingin lang sa akin si Cher pagbaba ko ng kotse, I told them na bukas na lang kami magpunta ng mall dahil nawala na ako sa mood.

Bwisit kasi ang babae na yun, pakiramdam ko lahat ng ginagawa ko sa kanya ay parang boomerang na bumabalik sa akin. Ano ba meron ang dela Rosa na yan at mukhang malakas sya sa itaas?

Nagngingitngit na pumasok ako ng kwarto ko, malakas na inihagis ko ang bag sa ibabaw ng kama at saka pabagsak na humiga dito.

Hindi pa din nawawala ang inis ko sa nangyari, biruin mo iniwan ako ni Blake dahil lang sa babae na yun? He chose her over me! As in over me!

Dahil sa nangyari ay lalong lumaki ang inis ko kay dela Rosa at sinisigurado ko na sa susunod na mga araw ay may paglalagyan din sya sa akin.

Mabigat ang paa na tumayo ako, pumunta sa table kung nasaan ang laptop ko, mag online muna ako para kahit paano ay malibang at mawala sa isip ko ang nakakainis na nangyari kanina.

Una kong tinignan ang facebook ko..wala naman interesting na nabasa ako dito, same usual post/pictures lang nina Katrina, Cher about cute guys and expensive clothes or newly bought gadgets.

ioff ko na sana ang laptop nang mahagip ng mata ko ang isang post sa newsfeed.

"Excited for the upcoming Gala night of Brentwood University."

Oh yeah, the yearly prestigious Gala night..how come I forgot about it?

Kailangan ko na pala ayusin ang gown ko for that event dahil next Saturday na nga pala yun. Hindi ako makakapayag na hindi ako ang tatanghalin na Star for the night ng party.

Thinking about it i turned off my laptop, nagpalit ng pantulog, did my usual routine saka nahiga.

Makakatulog na sana ako nang biglang nagring ang phone ko.

Baby calling.....

Si Blake.

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ang call nya, may tampo pa din kasi ako sa kanya sa nangyari kanina pero walang tigil ang ring ng phone ko, talagang desido si Blake na kausapin ako.

I decided to answer his call, pero I pretended na nagising ako dahil sa tawag nya.

"Hello..." I said in my husky bedroom voice.

I heard Blake gasped from the other line "Baby.." he said

"Yeah..?" Kunwari ay hindi ako interesado kausapin sya.

I heard him sigh "About earlier --" he's obviously contemplating sa sasabihin nya.

"I told you it was an accident." paggiit ko pa rin, kung papagalitan nya ako about doon ay ibababa ko na lang yun phone.

Katahimikan.

Bigla syang nagsalita "Ok I believe you baby." feeling ko naman sinabi nya lang yun dahil ayaw nya na lang makipatalo sa akin. Kilala nya ako, never ako umaamin na nagkamali ako, thinking I was always right.

Kahit alam ko na napilitan lang sya sabihin yun ay hindi ko pa din maiwasang mapangiti. Alam ko naman kasi na love na love ako ni Blake at hindi nya ako natitiis.

Kapag nagkakatampuhan kami ay sya lagi ang nanunuyo sa akin kahit na most of the time ay ako naman talaga ang may kasalanan.

Ako na ata ang pinakaswerteng babae sa Brentwood high dahil bukod sa gwapo, matalino, mayaman ay napakabait ng boyfriend ko.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon