Chapter 22 - Si Sexy Kitten

95.7K 2K 315
                                    

Madison P.O.V.

Pagkatawag sa akin ni Reese ay nagmamadali akong nagexcuse sa Prof namin, sabi ko mag CR lang ako.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya at sobrang nagaalala ako.

Halos takbuhin ko na ang room 105 sa kabilang building. Hingal ako na binuksan ang doorknob ng room.

Nakita ko si Reese na nakaupo mag isa sa loob at umiiyak, mabilis akong lumapit at umupo sa tabi nya.

Tumitig ako sa mga mata nya "Anong nangyari bakit ka umiiyak? Nasaktan ka ba? May nanakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ko.

Nagulat ako ng bigla syang napangiti kahit hilam pa sya sa luha.

"I love you..." halos pabulong lang ang pagkakasabi nya.

Kahit hindi ko naiintindihan kung ano talaga ang nangyari ay hindi ko makakailang natuwa ako ng narinig ko yung sinabi nya.

Pinahid ko ang luha sa mga mata nya.

"Hindi ko alam kung anong nagyari pero nandito lang ako lagi para sa'yo'." seryosong sabi ko habang nakatitig pa din sa magandang mga mata nya.

"...and i love you too Reese" dugtong ko pa saka ako ngumiti.

Hinila nya ako bigla at saka niyakap ng sobrang higpit. Kahit nalilito pa din ako sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya ay tahimik lang akong gumanti ng yakap.

May ilang minuto pa kaming nanatili sa ganung posisyon, kuntento na na magkayakap.

Nang marinig kong bumulong sya sa akin

"Kuting...."

"Hmmm yeah?"

Kumalas sya saka tumingin ulit sa mga mata ko.

"Let's ditch school..." seryosong sabi nya.

"Ha...?" nagulat ako... meron pa kasi akong 2 klase after ng lunchbreak.

"Please kuting kahit ngayon lang." nakikiusap ang mga mata nya.

Paano naman ako makakatanggi nun?

Tumango na lang ako at nakita kong nagliwanag ang mukha nya.

Tumayo sya saka nilahad ang kamay nya.

"Let's go my kuting." nakasmile na sabi nya.

Inabot ko yung kamay nya at saka nya ito hinawakan ng mahigpit pagkatapos ay naglakad na kami palabas ng classroom.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Lumingon lang sya sa akin at sumagot ng "Somewhere..." na parang ewan lang.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya "Ano?" tanong ko.

Sumulyap uli sya sa akin "Huwag ng madaming tanong ok?" masungit na sagot nya ngayon.

Gulat na nakitingin lang ako sa kanya at mamaya pa ay napangiti ako.

Naisip ko na bumalik na sya sa normal na sarili nya.... ang sungit na eh.

Hindi na ako sumagot at sumunod na lang sa kanya, pumunta kami ng parking area.

"Shit wala nga pala akong kotseng dala." narinig kong sabi nya saka sya napasimangot.

"Ganun ba? Magjeep na lang tayo....o taxi?" tanong ko, sumandal muna kami sa pader ng parking.

Tumingin lang sya sa akin pero hindi sumagot, kinuha nya yung phone nya sa bag at may tinawagan at saglit na kinausap.

ilang sandali ay may lumapit sa amin na guy at may inabot na susi sa kanya.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon