Reese P.O.V.
Pag uwi ko ng bahay ay hindi pa din maalis ang ngiti ko. Naiisip ko pa din si Kuting at yung mga nangyari sa amin mula kagabi hangang kanina.
Hindi ko makakaila na sobrang saya ko talaga kapag kasama at kausap ko sya.
Bukas ibibigay ko ulit yun phone sa kanya para minu minuto pwede ko pa din sya makausap.
Pagpasok ko sa pintuan ay sinalubong agad ako ni Manang Emma.
"Senorita bakit hindi kayo umuwi kagabi? Hinahanap kayo ng daddy mo, tumawag sya kagabi." bungad nito.
"Ah kasi po nastranded ako kagabi, ang taas na kasi ng baha sa kalye. Nakisleep over ako sa house ng classmate ko. I'll call him later para hindi na sya mag alala." sagot ko bago ako umakyat na ng kwarto.
Tinignan ko agad yung phone ko, naiwan kasi 'to sa loob ng kotse kagabi.
May misscall si Dad and si Blake.
Oppss. Si Blake...seriously i already forgot about him. You know. My boyfriend.
Una kong tinawagan si Dad para iexplain sa kanya yung nangyari, pinagalitan nya ako pero ok lang naiintindihan ko concern lang sya sa akin. Baka daw kasi napano na ako lalo na at hindi ko sinagot yung tawag nya kagabi. Sabi nya naextend daw yung business trip nya kaya by next week pa sya makakauwi.
Pagkababa ni dad ay si Blake naman ang tinawagan ko. Pero ilang ring pa ay hindi naman nya sinasagot yung phone nya.
Baka galit? O baka busy lang, anyway i texted him na lang to inform him kung bakit hindi ko nasagot yung call nya kagabi at kanina. For sure nag aalala na din yun sa akin.
Pagkatapos ko magtext at ibinaba ko muna yun phone sa may drawer saka nahiga. Suot ko pa din yung shirt at shorts na pinahiram ni kuting sa akin.
Nakasmile akong inamoy ito, it really smelled like her. Kinuha ko yun unan ko saka niyakap, i imagined na sya yung kayakap ko.
"Kuting miss na kita agad." sabi ko dun sa unan. Wish ko nga sumagot sya at sabihin nyang miss nya na din ako.
Maya maya ay may kumatok na sa pinto.
"Senorita kakain na po kayo."
"Ok bababa na ako." sagot ko.
Napilitan na akong tumayo para magbath, hinubad ko muna yung damit ko saka kumuha ng towel.
Pagkakita ko sa towel ay naalala ko na naman yung nangyari kanina sa may hotel, kung paano nataranta si kuting ng mahulog yun towel na nakabalot sa katawan ko.
Ang cute nya kasi itease...bukod sa may pagkaconservative na nya ay napakainosente pa. Kaya sobrang nageenjoy ako kapag nakikita ko na nadadala sya sa panunukso ko.
Naisip ko nga...bakit nga ba hindi kami nagsabay naligo kagabi? Haha just kidding, baka kasi mahimatay na sya kapag ginawa ko yun.
After 15 minutes ay bumaba na ako para kumain ng hapunan. Konti lang ang nakain ko kasi busog pa ako sa kinain ko kina kuting kanina.
Nakakatuwa sa kanila, masaya at buo ang pamilya nila...kaya nga yung simpleng tanghalian nila ay lalong sumarap dahil na din siguro sa ambiance sa bahay nila.
Pagkatapos kumain ay nagstay muna ako sa living room para manood ng TV, wala naman kasi ako gagawin pa. Kahit may TV naman ako sa room ko ay dito muna ako nagpalipas ng oras.
Kahit gusto ko tawagan si kuting ay hindi naman pwede. Hayyy nakakamiss na sya talaga.
After an hour ay naisipan ko ng bumalik sa kwarto ko, papaakyat na ako sa hagdan ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Kissing Reese Santillan
Jugendliteratur"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis. "S-sigurado ka ba dito Aly?" Pina...