Reese P.O.V.
"Yes.." sagot ko saka ako tumingin sa kanya.
Kitang kita ko ang hurt sa mga mata nya at biglang naramdaman ko na parang pinunit ang puso ko ng 100 piraso.
Hindi ko na kayang tignan pa ang mga mata nya kaya tumungo na lang ako.
Inisip ko na lang na tama lang siguro ang ginawa ko...para din naman sa kanya ito.
"You heard her." sabi ni Cher sa kanya.
Saka ko na lang sya nakitang mabilis na tumakbo palayo...palayo ng palayo....hanggang mawala na sya sa paningin ko.
Nakaramdam ako ng urge na habulin sya para sabihin sa kanya na totoo ang lahat ng nangyari sa amin ng Gala night...na lahat ng pinakita ko sa kanya pagkatapos ng gabi na yun ay totoo sa akin....
Pero hindi ko magalaw ang mga paa ko...daig ko pa ang kandilang natulos sa kinakatayuan ko.
Narinig ko na lang ulit si Cher.
"Tama lang yung ginawa mo Reese, ang kagaya nya ay hindi nababagay sayo. Si Blake lang ang nagiisang tao para sa'yo."
May galit ang mata ko na tumingin sa kanya
Saglit pa ay bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari kanina..
-Flashback-
Kanina habang naglunch out kami ay kasama din namin sina Cher at Katrina.
Pagdating namin sa restaurant ay tumayo muna ako para pumunta ng CR.
Napansin ko na mabilis ding tumayo si Cher at saka ako sinundan.
Pagpasok namin sa CR--
"Girl what's happening between you and dela Rosa?" sabi nya habang nagreretouch ng make up nya.
Tumingin ako sa kanya mula sa repleksyon ng salamin
"What do you mean?" kaswal na tanong ko.
"Well, it so happened na may nakakita sa inyong pumasok sa isang room sa Guillermo building at sabay din kayong umalis kahapon."
Galit at hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya
"Were you spying at me??"
Ngumiti sya "Nope, nagkataon lang na maraming tayong mata sa loob ng school....alam kong alam mo yun."
Hindi ako sumagot kinuha ko yung brush sa bag bago ako nagsulay ng buhok ko.
"Isa pa din ba sa plano mo na hindi mo nasasabi sa amin?" tanong ulit nya.
Bigla akong nakaramdam ng inis ng malaman ko na inaalam pala nya ang mga kilos ko.
Asar na sumagot ako ng "Yes."
"What would it be this time? To make her fall for you...?"
Humarap ako sa kanya.
"Ang dami mong tanong." masungit na sagot ko. Ayoko sa lahat ay pinapakialaman ako o sa mga plano ko.
"Alam ko iniisip mo girl, sa tagal na nating magkakilala iisa na lang tumatakbo sa utak natin." she said and this time ay humarap din siya sa akin.
"You would make her fall saka mo sya sasaktan....tama ba ako?"
Nang sandali na yun pati sarili ko mismo ay tinanong ko.
Subconsciously ay ganun ba talaga ang iniisip ko? Did i want her to fall for me...?
Dati ay galit ako kay dela Rosa na gustong gusto ko syang durugin...
BINABASA MO ANG
Kissing Reese Santillan
Teen Fiction"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis. "S-sigurado ka ba dito Aly?" Pina...