Extra chapter - Green eyed monster

88.6K 2.3K 782
                                    


Madison P.O.V.

Ilang minuto pa kami nakahiga sa damuhan nang marinig ko na ang mahinang paghinga ni Reese.

Sinilip ko yun magandang mukha nya at napansin ko na nakatulog na pala sya.

Nagdalawang isip pa ako kung gigisingin ko na ba sya ngayon o mamaya na lang.

Kaya lang medyo gumagabi na din, baka hanapin na din ako sa bahay kaya kaya napagdesisyunan ko na gisingin na din sya.

Masuyo ko syang hinawakan sa mukha saka tinawag.

"Reese..."

Pero hindi pa din sya tumitinag.

"Reese gising na, gabi na uuwi na tayo" ulit ko.

This time nakita ko na gumalaw sya at saka dumilat.

At ayun..... saktong nagtama agad ang mga mata namin.

Kitang kita ko na napangiti sya nang masilayan ako.

"Madison.." halos pabulong lang ang pagkakasabi nya.

Ako naman ang napangiti, 1st time nya ata akong tinawag sa pangalan ko.

Parang napakaganda ng pangalan ko nang binigkas nya.

"Tara, alis na tayo....baka hinahanap na tayo nyan." aya ko.

She cutely pouted her lips

"Hayaan mo silang maghanap." sabi nito saka bumalik ng sandal sa balilkat ko.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa ginawa nya....pangalawang 1st time ko na 'to—

Kanina yun tinawag nya ako sa first name ko at ngayon naman nakita ko syang nag pout ng ganun.

Sobrang cute....promise.

Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko.

"Sige ka, ang lamig lamig na kaya dito...bahala kang lamigin dyan." pananakot ko sa kanya.

Hindi sya sumagot.

Pero laking gulat ko ng bigla syang tumagilid at niyakap ang isang braso nya sa akin.

Kaya ayun biglang naging drum sa lakas at bilis ang tibok ng puso ko.

Paano naman feel na feel ko yun closeness ng katawan naming dalawa.

She was so warm....

And soft...

And smells so freakin' good..

"O yan...nilalamig ka pa ba?" she asked.

Napalunok ako. Paano naman sobrang lapit ng mukha nya sa akin.

Gahibla na lang ng buhok ang pagitan ng labi namin. Isang konting galaw lang at magdidikit na ang mga ito.

Napatitig ako sa magandang mata nya at kitang kita ko ang reflection ng maliwanag na buwan sa mga ito.

"Reese.." i called her name and I love saying it kahit ilang libong beses pa.

"Hmmmmmm...?" hinihintay nya yung sasabihin ko.

"I want to kiss you..." nasabi ko ito ng walang paalinlangan at sa totoo ay hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin yun sa kanya.

Napangiti sya sa narinig, siguro ay hindi nya inexpect na sasabihin ko yun. Oh well, kahit naman ako.

"Then kiss me....." tila paghahamon nya.

Pinikit ko ang mata ko at saka ko na isinara ang pagitan naming dalawa.

Wow...this moment was so...

Was so..........enchanting..

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon